Dedicated to KnightInBlack
[Kuya KIB, Actually ang story mo na "When life sucks" ang naging inspirasyon ko para makasulat ng kwentong ganito.]
ㅡㅡㅡㅡ
Heto parin kami.... tinatakbuhan ang kamatayan kahit na alam namin na kamatayan rin ang hangganan ng lahat ng aming ipinaglalaban. Tinatahak namin ang madilim na kagubatan, ni hindi namin alam ang patutunguhan, naglalakbay kami ng walang direksyon, matakasan lang ang kamatayan.
Malakas ang buhos ng ulan, walang tigil ang kulog at kidlat sa kalangitan. Sobrang dilim! Nasa likuran parin ako ni Dark Harris at sa kaniya ay nakapasan, nagpapakasarap habang nahihirapan siyang magbuhat sa akin! Sobra na ba akong pabigat sa kaniya? Hanggang saan ito matatapos? Hanggang saan kami titigil? Akala ko ba ay susuko narin si Dark Harris? Pero bakit kami ngayon nandito? Bakit tinatakasan parin namin ang kamatayan?
Napatingin ako kay Xavier na hanggang ngayon ay buhat niya parin ang bangkay ni Kuya Elton na nababalot ng kumot, hanggang ngayon ay sobrang sakit parin ng lahat. Hindi alintana sa magkapatid ang gutom at uhaw kahit ilang araw narin na walang laman ang aming tiyan. Mas lalo akong naaawa kay Dark Harris dahil wala na siyang pahinga, natatakot ako! Na----- baka hindi kayanin ng puso niya ang lahat ng sakit! Ang lahat ng pagod!
"B-Britney, as long as I'm with you I won't get tired." He said breathlessly. "D-Didn't I tell you I would give you the world? I will never give up, Not ever!" May hinanakit niyang sabi. Gusto ko mang sumagot pero wala na akong boses. Muli akong naiyak ng lihim, kahit humagulhol pa ako ay hindi niya naman maririnig dahil sa lakas ng buhos ng ulan.
"K-Kuya pagod na pagod na ako. Magpahinga muna tayo kahit sandali, nahihilo narin ako." Hinihingal sa sabi ni Xavier. Natigil si Dark Harris at binalingan ang kapatid.
"Just 5 minutes Darwin." He said to his brother. Naramdaman ko ang panginginig sa katawan ni Dark Harris, pakiramdam ko ay mauuna siyang babagsak sa kapatid niya. I know he is exhausted, but he still won't let me go! Damn! His love makes me cry! Nakakaawa kami!
"T-Thanks Kuya. Pero kailangan nating magpahinga ng kalahating oras." Ngiti ni Xavier, kahit madilim ay nakita ko ang malungkot ng ngiti ni Xavier dahil sa pagkidlat. Hindi ako nakaramdam ng takot dahil sa kidlat kahit pakiramdam ko ay anytime ay matatamaan kami ng kuryente. Hindi pala ito ang mas nakakatakot, hindi kami sasaktan ng mundo. Ang buhay na meron kami ang totoong nagpapahirap sa amin.
Marahan akong Binaba ni Dark Harris sa ilalim ng puno ng Acacia. Makapal ang mga dahon sapat para hindi kami mabasa ng malakas na pag ulan. Binagsak ni Xavier ang katawan sa bangkay ng kapatid dahil sa pagod.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang yakap ni Dark Harris. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking mukha. Ang lamig ng kamay niya maging ang kaniyang katawan. Tinaas ko ang aking kaliwang kamay papuntang batok niya, kinabig ko ang kaniyang batok palapit sa akin at mabilis na hinalikan ang kaniyang nanginginig na labi.
Dark Harris, I am really sorry for everything. Mas madilim pa pala sa pangalan mo ang ating tadhana, it's darker!
I clung to all of Dark's sacrifices to gain strength, I must not weaken now. If he weakens, there must be someone left to fight us! I have to fight!
Pinasok ko ang dila ko sa loob ng kaniyang bunganga. Paulit ulit kong sinipsip ng kaniyang labi para lang mabigyan ng init ang kaniyang katawan. Hindi siya tumutugon, para siyang natigilan dahil sa ginawa ko. Nanginginig ang kaniyang katawan dahil sa lamig, mas lalo pang naging malamig ang gabi dahil sa malakas ng hampas ng hangin.
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
רומנטיקה"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
