D-91

77 35 0
                                        

⚠️ Content Warning

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng matinding karahasan, emosyonal na trauma, at pagtatangkang pang-aabuso na maaaring makapag-trigger o maging hindi komportable para sa ilang mambabasa.

Kung ikaw ay sensitibo sa ganitong mga tema, maiging laktawan muna o basahin ito nang may pag-iingat.

Layunin ng bahaging ito na ipakita ang reyalidad ng sakit, galit, at kabiguan ng mga tauhan... hindi upang iromantisa o gawing magaan ang karahasan.

Unti unti kong dinilat ang aking mata. Ramdam ko ang hapdi ng aking mata marahil sa labis na pag-iyak. Pakiramdam ko rin ay namamaga ang dalawa kong mga mata. Ang sakit! bawat paghinga ko ay siya ring paninikip ng dibdib ko. Paulit ulit sa isipan ko ang pangyayari!

Hanggang ngayon ay parang wala na akong lakas naigalaw ang katawan ko. Gustuhin ko mang bumangon sa aking pagkakahiga pero hindi ko na kaya, wala na akong lakas. Pakiramdam ko ay sobrang ikli nalang ng hininga ko. Nahihirapan na akong huminga! Nahihirapan na akong mabuhay!

Nasaan si Dark Harris? Si Xavier? Si Kuya Elton?! Nasaan na ba ako? Bakit sobrang dilim?! Mula rito ay naririnig ko ang huni ng mga kulisap ng gabi. Nasa kubo ako? Bakit ako nandito? Ahhh! Gulong gulo na ako! hindi ko na alam kung ano ang gagawin!

"D-D-D-Dark...." Nakapahina ng lumabas na salita, ni ako ay hindi ko marinig. Mas malakas pa ang huni ng kulisap. Damn! Nahihirapan na akong magsalita! Ni hindi ko kayang banggitin ang pangalan ni Dark Harris. Sobrang init! Napakainit ng aking pakiramdam.

Hanggang saan nga ba ang lahat ng ito? Ilang araw nalang ba ang natitira? Katanungan na paulit ulit na dumudurog sa aking puso. Muling bumalik sa isipan ko ang pangbababoy nila sa akin! Ang katotohanan na ngayon ko lang natuklasan! Ang dahilan kung bakit naging abandonado ang Bright City! Ang katotohanang pilit na itinatago sakin ni Dark Harris! Ang kasamaan ng sarili kong pamilya! Ang mga sinabi ni Kuya Elton! Ang nasasaktang mukha ng Boyfriend ko dahil sa nasaksihan niyang walang saplot ang kan'yang nobya sa harapan ng karamihan! Ang kaniyang mga hikbi habang yakap ako!

Kinapa ko ang aking katawan, meron na akong damit, hindi narin ako mabaho ng dugo at nababalot ng putik. Malinis na ang buo kong katawan. Sino ang nagdala dala sakin sa dito? Sino ang nagpaligo sakin? May narinig akong mga yapak ng paa na papalit rito, ramdam ko rin ang panginginig ng aking buong katawan. Pinikit ko nalang ang aking mga mata, kung ito na ang katapusan ay hinihiling kong makita ang mukha ni Dark Harris.

"Britney...."

Ang tinig na gustong gusto kong marinig! Si Dark Harris! Andito siya! Pero papano? Kumawala ako ng hikbi, gusto ko mang sagutin siya pero hindi ko na kayang ibuka ang labi ko para magsalita.

Dark Harris!

Naramdaman ko ang mainit niyang yakap. Mas lalo akong napahikbi ng walang tunog. Ginalaw ko ang aking kamay para hawakan ang kamay niya. Naririnig ko parin ang kaniyang hikbi! Umiiyak parin ba siya? Hindi na siya ang dating Dark Harris nakilala ko! Ang madilim at malamig na lalaki ay naging iyakin na ngayon sa tabi ko.

"S-Si Kuya E-Elton! H-he's....." he stopped. Mas lalong lumakas ang kaniyang pag-iyak. Ang kaniyang hikbi ay mababakas ang labis na hinanakita na maging ako ay napapaiyak rin. Mas lalo akong nasasaktan ngayon! Ano ba ang nangyayari kay Kuya Elton?

"A-A-Ano...."

Damn! Gusto kong tanungin kung ano ang nangyayari pero nahihirapan akong magsalita! Hindi ko nalang pinilit ang sarili ko.

100 Days Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon