July 04 D-32 Be with him until the sunset, and watch the sunset together.
ㅡㅡㅡㅡ
I couldn’t imagine myself walking in the hospital hallways again. Pero ngayon, nagagawa ko na! Nanginginig ang aking mga kamay, nanlalamig rin ang aking katawan. Nababawasan rin ang kaba sa dibdib ko dahil sa paghawak ni Dark Harris sa kamay ko.
Halos balot na balot ang buong katawan ko, sinigurado ko rin na hindi nila ako makilala. I was wearing an oversized black long sleeve with a moon design, paired with faded jeans. Nakasuot din ako ng facemask para matakpan ang mukha ko.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sila sa paghahanap sa’kin. Babalik naman ako kay Mommy kapag kailangan na talaga, pero hindi na ako papayag na maging pasyente ng hospital na ‘to. Dito dinala si Aiden, sa hospital na pinanggalingan ko.
No’ng nakarating kami sa room ni Aiden, agad naming nakita sila Georgia. Nakahiga si Georgia sa upuan sa tabi ni Aiden, habang sila Madi at Luke naman ay naka-cuddle sa sofa.
“Stay here, Baby. I will buy breakfast for us.” malambing na sabi ni Dark Harris. Ngumiti lang ako sa kaniya, ginulo pa niya ang buhok ko bago siya lumabas.
Lumapit ako kay Aiden. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya at may nakakabit na mga aparato. Naging mabuti siyang kaibigan sa’kin kahit hindi niya pa ako lubos na kilala.
“Gumising ka na d’yan. Mamamasyal pa tayo, ‘diba? Tapos gusto mo pa maging photographer.” ngiting sabi ko sa kaniya. Hanggang kailan ba siya matutulog? Gigising pa ba siya? Sa mga nababasa ko sa mga novels, maaari pa siyang magising.
Ilang saglit pa, nagising na si Georgia. Napahikab pa siya. No’ng nakita niya ako, parang nagulat pa siya pero agad ding napangiti.
“Hi, Britney! Where’s Dark Harris?” tanong niya sabay lingon sa paligid. Nakitaan ko ng pagkasabik ang mga mata niya. Bigla kong naalala ang tinginan noon ni Dark Harris at Georgia, no’ng sinabi ni Xavier na gusto ng kuya niya si Georgia. Hanggang ngayon ba ay gusto pa rin niya? Pero nililigawan na ako ni Dark Harris! How about Georgia?
“He bought us breakfast.” I replied. Tumango naman siya.
“How is he?” tanong ko habang nakatingin kay Aiden.
“We are still waiting for the result.” malungkot niyang sagot.
Ilang saglit pa, dumating na si Dark Harris na may dalang pagkain. Agad siyang nilapitan ni Georgia at niyakap. Nag-iwas tingin na lang ako dahil may kirot sa dibdib ko.
Nagising na rin sina Madi at Luke kaya kahit paano ay nabawasan ang pagkailang ko. I know Georgia likes Dark Harris, pero si Dark Harris gusto ako. I couldn’t protect Georgia, I couldn’t follow Aiden’s wishes.
Naglakad ako palapit kay Aiden at naupo sa tabi niya. Gusto ko siyang kausapin kahit natutulog siya. I’m sorry Aiden, I couldn’t protect your half-sister.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Dark Harris sa likuran ko.
“Baby, let’s eat.” he softly said. Nailing na lang ako. Ayoko rin makita sa harapan ko ang pagdikit sa kaniya ni Georgia.
“Mauna na kayo, busog ako.” malamig kong tugon.
“No, let’s eat together.” he said at hinawakan niya ang kamay ko para alalayan akong tumayo.
“Ayoko nga, wala akong gana.” sagot ko.
“Then, let’s go home. Ipagluluto kita.” malambing niyang sabi. Gusto kong tumango pero ang pangit naman yata kung iiwan namin sila dito. I’m not like that!
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
