June 11 D-8 Rest.
Dedicated to CharynaDoroteo
ㅡㅡㅡㅡ
This morning, I felt so weak. How can I live this life if my body keeps failing me? Still, I try to push myself.... to do the things I want to experience, even if my condition makes it harder every day.
Napabangon ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Inayos ko muna ang magulong buhok ko bago sumagot.
“Pasok, hindi ‘yan naka-lock.” malakas kong sabi.
Agad na bumungad ang nakangiting mukha ni Dark Harris, may dala siyang tray ng pagkain. Breakfast? Don’t smile like that, Dark Harris.
“Good morning, Britney. I brought your breakfast.” Nginitian niya ako at inilapag ang dala sa table. Agad akong umiwas ng tingin dahil ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin.
“How are you feeling?” tanong niya, lumapit pa ng bahagya.
May lagnat pa rin ako. Magtataka siya kung bakit hindi ako gumagaling, kaya mas pinili kong manahimik. Minsan hindi ko rin makontrol ang mood swings ko.... nakakainis!
“Binilhan pala kita ng mga damit. Dalhin ko na lang dito mamaya para makapagpalit ka.” Seryoso ang boses niya habang naupo sa gilid ng kama.
Kinabahan ako. Mga damit? Anong klase? Long sleeves ba? Pajama? Bigla akong nakaramdam ng panlalamig.
“Hey, are you okay? You look upset, Britney.” tanong niya, puno ng pag-aalala. Tumikhim ako at tumango. Author siya, madaling hulaan ang mga kilos at ekspresyon ko.
“I-I’m o-okay.” sagot ko sabay tago ng mukha sa ilalim ng kumot. “Iwanan mo na ako. I’ll eat breakfast later. I just want to sleep.” Namamaos ang boses ko. Please, umalis ka na, Dark Harris.
“Take your time resting, then.” bulong niya bago tuluyang lumabas.
Bumangon ako at kumain ng kaunti lang. Wala akong ganang kumain dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Pagkatapos, pumasok ako ng banyo. Doon ko itinatapon ang gamot. Medicine for me is just trash. Ang sama pakinggan, pero iyon ang totoo.
Humarap ako sa salamin. Ang itim ng mga mata ko, tuyong-tuyo ang labi, at halata na ang sakit sa itsura ko. Heck! Hindi pwede ‘to. Ang payat ko na rin. Kailangan ko ba talagang maranasan ito? Paano na ang mga pangarap ko?
Nailing ako. Habang lumilipas ang mga araw, palapit na nang palapit ang huling sandali ko.
Kinuha ko ang gunting at humarap muli sa salamin. Pinutol ko ang mahaba kong buhok hanggang leeg. Masakit na rin suklayin at hindi ko na kaya. At least ngayon, mas magaan, mas komportable.
Pagod na pagod ako. It’s a tiredness I don’t know how to shake off. A lifetime tiredness. All I want is to be alive.... to fight this life.
I was about to close my eyes when I heard footsteps.
“Britney? Are you there? I want to check your condition.” narinig kong tawag ni Dark Harris mula sa labas.
“I’m okay.” maikli kong sagot.
Pumikit na ako, pero muli kong narinig ang mga yabag niya papalapit sa kama.
“You are not okay. Are you feeling hot?” tanong niya.
Oo, pero ayokong mag-alala siya. Tahimik ang paligid, akala ko umalis na siya, pero bigla niyang sinabi....
“Britney, dalhin na kita sa hospital. Hindi na gumagaling ang lagnat mo.”
What?! Nabigla ako. Wala na akong lakas para lumaban, pero nagawa ko pang pakiusapan.
“Please, huwag mo akong dalhin sa hospital.” Huling mga salita ko bago ako nawalan ng malay.
Pagdilat ko... nasa kama pa rin ako. Hindi pala ako dinala ni Dark Harris sa hospital. Nakatingin siya sa akin... matalim, parang sinusuri pati ang kaluluwa ko. Hindi ba siya umalis sa kwarto magdamag? Bakit kung tumitig siya, parang nahuhulaan niya ang lahat tungkol sa akin?
“Britney, just tell me the truth about your life. You’re so mysterious.” mahina niyang sabi.
Umiling ako at umatras mula sa kama. Nanginginig ako sa kaba.
“Hindi gumagaling ang lagnat mo. Maputla ka na rin.” dugtong niya, sabay sunod sa bawat hakbang ko paatras. “Kaya ba ayaw mong makita ang balat mo dahil sa mga pasa? I saw it, Britney.”
Natigilan ako. He knows! Even though he’s not a doctor, he’s an author. May alam siya. What do I do? Is this the endgame?
“Do you have leukemia, right, Britney?” tanong niya. Paulit-ulit tumunog sa tenga ko ang tanong na iyon.
“N-no…” umiling ako. I don’t have a choice but to run. Tumakbo ako papunta sa pinto, pero hindi ito bumukas. Trapped!
“Alam kong tatakbuhan mo ako, kaya inunahan na kita. I locked the door.” malamig niyang sabi.
Hindi ko namalayan na nasa pader na ako, at hawak niya na ang dalawang balikat ko. Napakalapit ng mukha niya, ramdam ko ang init ng hininga niya.
“Britney, are you scared?” kalmado niyang tanong.
Paulit-ulit niya akong tinatanong. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang takasan, pero hindi pwede. Hindi niya dapat malaman, hindi niya dapat dalhin ako sa hospital.
“I won’t hurt you. I wouldn’t bring you to the place you’re afraid of… but be honest,” bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko.
“Tell me the truth, and I promise I will protect you.”
Damn!
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
