July 27-30 (Dㅡ 55-58)
PS. Unexpected moments
(It means Pein Claire Clifford failed on doing her list)
ㅡㅡㅡㅡ
Other readers, kapag natapos nila basahin ang kwento, nasasabik silang magbasa ng isa pang kuwento na nasa listahan ng kanilang interes.
Other readers, pagkatapos basahin ang kuwento, nawawalan agad ng gana kumain dahil iba ang inaasahan nilang ending kumpara sa natanggap nila. Yung iba naman, hindi natatapos ang chapter dahil masakit bawat pahina. Yung iba naman, kahit na masakit ang bawat chapter, handa pa rin silang sumugal, umiyak, at ibahagi ang sakit dahil gusto nilang masaktan at matuto. Sinasabi nila na ang painful ending ay mag-iiwan ng trauma.
Napatingin ako sa salamin at ngumiti ng matamlay. Sunod-sunod ang buntong-hininga ko, sa nakaraang tatlong araw parang pasan ko ang mundo.
Tapos ko na basahin ang kwento ni Dark Harris Montero. Narito parin ang sakit... naiwan ang trauma. Ang sakit no'ng libro niya, ang sakit nyang mahalin.
Masasabi kong mapanakit na Author si Dark Harris. Naintindihan ko naman s'ya. Kahit na ako, ganon rin naman ang gagawin ko. Gagawin ko rin ang ginawa ni Britney, para iligtas si Dark.
Yes, Si Dark ang pangalan ng male character niya, at si Britney ang female character niya. Sinulat niya yung libro, no'ng mga panahon na hindi pa namin kilala ang Isa't isa. Coincidence lang ba? O nauulit lang, O nangyayari samin ang kwento na iyon?
Hindi ko alam.
Actually, for me life is like a book. Pagkatapos ng buhay ng bawat tao, maging kwento nalang ang lahat. Ang matitira na lang ay memories at experiences ng bawat taong yumayaon.
Narinig ko ang boses ni Xavier sa labas. Nagpapaalam siya na papasok na. Agad kong dinampot ang kumot at tinakpan ang salamin sa tabi ko.
"Britney." Matamlay siyang ngumiti. Nilapag niya ang dala niyang pagkain sa mesa sa harapan ko.
"What's the news?" I coldly asked.
"We can't find him." naiiyak niyang sabi.
Damn! Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nila nahanap si Dark Harris? Ano ba ang binabalak niya? Dahil pa rin ba sa akin? Gusto niyang protektahan ako?! Damn! Wala siyang pinagkaiba sa karakter niya. Ganoon din ba ang gusto niyang wakas?
Hindi! Pipigilan ko s'ya. Hindi ako papayag na maulit ang nangyari sa libro na yun.
"H-How about Kuya Elton?" I asked again. Hindi ko lubos na kilala si Kuya Elton pero tinulungan niya kami ni Dark Harris. Dahil ba talaga sa akin kaya naging ganito ang lahat? Nadamay si Kuya Elton?
Yung libro.... merong part na naputol. Bakit? Yung trahedya sa bright city, hindi nakasulat sa libro ang nangyari.
"Nasa kanila pa rin si Kuya! Wala silang planong pakawalan si Kuya! Ang sama nila para pahirapan ang taong inosente!" iyak ni Xavier. Araw-araw umiiyak si Xavier. Bakit sa lahat ng tao, ang sarili kong kadugo ang dahilan ng pagdurusa ng pamilyang ito?
Kailangan kong tapusin lahat ng ito, kung mananatili ako rito, gagawin ni Dark Harris ang lahat para sa akin. Ang kagustuhan niyang protektahan ako ang magpapahamak sa pamilya niya.
"D-Dapat na ba kitang kamuhian? Ha?! Alam mo ba Britney? I really hate you!" sigaw niya sakin. Alam ko. Kahit ako, kinamumuhian ko ang sarili ko. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito.
"Mas pinahahalagahan ka pa ni Kuya Harris kesa sa amin!" sigaw niya ulit at napahagulhol. Gusto kong patigilin siya sa pagsasalita, bawat salita niya, parang triple ang sakit na tumatama sa akin.
"X-Xavier, please." Basag na ang tinig ko. Gusto kong maging matapang, kahit sandali lang, para sa Pamilyang Montero.
"Aalis ako dito... Kailangan kong isama si Manang Kim." sabi ko. Ang katotohanang hindi ako makaalis kapag walang kasama ay lalo pang nagpapabigat sa akin.
"Saan ka pupunta?" He asked. Alam kong pinipilit niya lang na pakisamahan ako. Nakikita ko sa tingin niya ang pagnanais na saktan ako... pero bakit ayaw niyang gawin? Dahil ba girlfriend ako ng kuya niya?
"X-Xavier." Ngumiti ako ng marahan. Maybe naguguluhan siya sa inaasta ko ngayon pero hindi ko alam kung magkikita pa ba kami kapag tuluyan na akong makaalis.
"T-Thank you for everything. Alam mo ba? Gusto kong pagsisihan na nakilala ko kayo dahil una pa lang alam kong nadadamay kayo. Pero Xavier, sa inyo ko lang nararamdaman ang tunay na kahulugan ng pamilya. Dapat ba akong magsisi dahil sa tingin mo parang kinamumuhian mo pa ako?" Pinipigil ko na bumuhos ang luha. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Umiling-iling lang siya. Nagbabadya nang pumatak ang luha sa mata niya.
"X-Xavier, even just now I want to ask you for a favor. No matter what happens, don't leave Dark Harris. Don't leave him alone, okay? When he comes back, just tell him I'm gone." I sobbed softly. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagsikip ng dibdib.
"A-Ano ba ang pinagsasabi mo?" Umiling-iling ako at ngumiti ng kaunti.
"X-Xavier, because of you, because of your help, my dream came true. I will never forget your kindness." I smiled. Kumatok ang kanyang mga mata; para saan? Para iwan ako? Is that it?
"Damn Britney! H-Hindi ko kinamumuhian na nakilala ka namin! Ang kinamumuhian ko ay ang katotohanang---" Pinutol ko siya. Ayaw ko munang marinig dahil ayaw ko ring marinig kailanman.
"Please, papuntahin mo na dito si Manang. Aalis na ako." Seryoso akong nagsabi. Alam kong gusto niyang isumbat sa akin ang lahat pero para saan pa?
"Si Dark Harris, si Kuya Elton.. maging ligtas rin sila." Ngumiti ako. Tumango siya bago umalis. Pumasok din agad si Manang Kim na mukhang concerned.
"Let's get out of here." sabi ko nang matamlay.
"Bakit? Ano ang nangyari? Hindi mo ba gustong hintayin si Sir Harris? Binibini, bago siya umalis---" Pinutol ko siya. Pipigilan niya ba ako?
"Manang, please? Dalhin mo ako sa bahay. Uuwi mo ako kay Mommy." I pleaded. Matigas pa rin ang mukha niya. Si Dark Harris ang amo niya kaya kahit anong gawin ko, hindi niya ako hahayaang umalis.
"I-I have to do something. It's also for the safety of Dark Harris." sabi ko muli. Kita sa labi niya ang pag-aalinlangan at umiling siya.
"B-Binibini----"
"Manang please. Babayaran kita! Magkano ba ang gusto mo?" Kumbinse ko siya pero ganoon pa rin ang reaksyon niya.
Biglang pumasok si Xavier. Seryoso ang tingin niya kay Manang Kim. Tumango ako kay Xavier at parang naintindihan niya agad ang gusto kong mangyari.
"Manang, ako na ang bahala dito. Iuwi mo na lang siya sa bahay nila."
"O-Opo Sir."
Umalis kami ni Manang Kim. Naiiyak ako habang papalayo sa puting bahay. Si Xavier ay nakatayo lang sa harap ng gate at nakatingin sa akin. Wala na kaming choice kundi harapin ang tadhana. Masakit isipin na iiwan ko ang abandonadong lugar.
Sa librong sinulat ni Dark Harris Montero, nalinawan ako. Ngayon naiintindihan ko kung bakit ganun ang paraan ng pagsusulat niya. Sinimulan niya ang pagsusulat noong December 30, 2015 at tinapos niya ito pagkatapos ng anim na buwan - June 30, 2016. Five years ago.
How did that happen? Habang binabasa ko ang kwento, parang binabasa ko ang sariling kuwento na pinangarap kong isulat balang araw.
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
