D- 43

83 45 0
                                        

July 15 D-43  Be happy.

ㅡㅡㅡㅡ

I looked at the fire I made. Somehow, I also learned how to make a fire with a stone. I took a dry branch of wood, cut it into pieces, and immediately put it on the fire.

Kailangan ko munang manatili rito at magpalipas ng gabi. Ayaw kong maglakbay muna dahil sobrang sakit na ng aking katawan at naabutan na rin ako ng gabi. Hindi ko rin naman alam kung saan ako tutungo... tanging gusto ko lang ay lumayo kay Dark Harris. Kapag yakapin ko s'ya, madadamay s'ya.

Sobrang lamig ng simoy ng hangin. Maraming alaala ang bumabalik sa aking isipan. Tumingala ako para pigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.

I’m used to being with him all the time, and now I don’t know how to start.

Back then, when I escaped from the darkness I came from, I immediately found the light in Dark Harris. Maybe he’s cold and dark, but he’s my safest home I found... my brightest light.

Life away from him is very darker.

Tumambol ang dibdib ko sa kaba dahil mula rito ay natatanaw ko ang ilaw ng flashlight. Madami sila. Wala na akong matataguan… ito na ba ang katapusan ko?

“May tao roon!”

That voice! Isa siya sa mga lalaking naghahanap sakin kanina... mga tauhan ni Daddy. Fvck! Pero paano nila ako nahanap? Si Dark Harris lang ang nakakaalam ng direksyong ito. Nandito na sila para ibalik ako sa dati kung lugar.

They’re almost here! I just closed my teary eyes.

“Ma’am P-Pein Claire!” narinig kong sigaw ng lalaki.

“’Sya nga!”

Natagpuan na natin siya!” masayang sigaw ng isa pa. Magkano ba ang binayad o ibabayad pa sa kanila ni Daddy?

Agad akong nilapitan ng isang lalaki. Damn, I’m shaking. Gusto ko siyang sapakin dahil hinawakan niya ang aking noo.

How dare him! Si Dark Harris lang ang may karapatan na humawak sakin. Pumatak na ang luha sa aking mga mata.

“Mataas ang lagnat niya! Tawagan niyo si Boss!” malakas niyang sigaw. Agad niya akong binuhat. Gusto kong umiyak at magmakaawa na hayaan nalang nila akong mamatay.

Dadalhin nila ako kay Daddy. Gusto kong manlaban pero wala na akong lakas. Maging ang pagbuka ng bibig para sigawan sila ay hindi ko na magawa. Nahihilo na ako, naramdaman ko rin ang mainit na likidong dumaloy mula sa ilong ko.

Dark Harris… when I feel like this, you always appear in front of me, you always hold me in your arms. But this time, I know you won’t come to save me.

Pagdilat ko ng aking mga mata, wala na akong naramdamang excitement. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Nasa hospital ako.

Nilibot ko ang paningin sa paligid.... napapalibutan ako ng mga bodyguards. Seriously?

Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa kamay ko. Nakapatong ang ulo niya sa kama at mahimbing na natutulog. Hinaplos ko ang mukha niya. Kahit nakapikit ang mga mata niya, halata pa rin na kakagaling lang siya sa pag-iyak.

“M-Mom.” I softly uttered. Busy pa rin ba sila? What did they do while I was with Dark Harris? Have they been busy at work too?

“B-Baby!” masiglang sabi ni Mommy at agad akong niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Napahagulhol siya sa dibdib ko. Gusto kong umiyak pero sobrang lamig ng puso ko. She’s my mother… but I hate her!

100 Days Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon