D- 6

121 71 9
                                        

June 9 (D-6) Be a photographer and shoot the whole day, including the sunset and the darkest night or starry night.

ㅡㅡㅡㅡ

I woke up still thinking about shooting some pictures.

Hindi ako pinayagang umuwi ni Dark Guy kahapon dahil may lagnat daw ako. I'm so worried, dahil I feel that they're concerned about me, kahit si Xavier.

Lumabas ako ng kwarto at umakyat sa third floor dahil doon ang kwarto ni Dark Guy. Ang kwartong tinutuluyan ko ay nasa second floor at hanggang third floor tong mansion nila.

Nakakabit sa leeg ko ang DSLR! Sa sobrang saya ko kagabi ay hindi ko na 'to inalis pati sa pagtulog ko. Nasa pinakahuli daw ang kwarto n'ya kapag may kailangan ako, so pumunta na ako sa last room, which is the gray door. He loved gray, too, I guess. Kumatok ako, pero hindi n'ya parin binubuksan. Tulog pa ba s'ya?

Nagulat ako dahil bigla bumukas ang pintuan sa katabi ng kwarto n'ya at lumabas doon si Xavier. Magulo ang buhok n'ya at nakadamit pang tulog pa s'ya; humihikab-hikab pa s'ya na parang hindi n'ya ako napansin. Hindi nga siguro! nung minulat n'ya ang kan'yang mata ay napatalon pa s'ya sa gulat.

"Jusko! Akala ko multo! Bakit ka nandito, Britney? Na-miss mo na agad ako?" He smirked. Wala na! I can't help but laugh! Nasa reaksyon parin kasi ni Xavier ang isip ko; sayang at hindi pa ako ready.... sana kinuhanan ko s'ya ng litrato.

"HAHA, sorry na!" tawa ko pa. Ngumuso naman s'ya na parang bata.

"Okay na! Hindi na ako galit kahit muntik na akong atakihin sa puso." Walang gana nitong sabi at nilahad sakin ang susi. Wait.... susi?! Para saan naman 'to?

"Sorry na kasi." ngiti ko. Napairap naman s'ya at inismiran pa ako.

"Susi para sa kwarto ni Kuya, pasukin mo na s'ya." He smirked.

"H-ha?"

"Sabi ko ikaw na ang gumising kay Kuya." Ngisi n'ya bago binigay sakin yung susi saka s'ya tumalikod.

Napasinghap nalang ako at sinuyuan ang kwarto ni Dark Guy. I still remembered that he was acting weird yesterday. He wants me to call his name again. Yung Dark Harris? Problema ba n'ya? Pero first time kong sabihin ang pangalan n'ya.

Tuluyan na akong pumasok at nakita ko s'ya tulog parin. Lumapit ako sa kama n'ya at malinaw ko nang nakikita ang mukha n'ya. Magulo ang kaniyang buhok at sobrang amo n'yang tingnan kapag nakapikit ang kaniyang mga mata. Matangos ang kaniyang ilong at mamula-rufa ang kaniyang labi. He is cute! Naka-suot s'ya ng white plain t-shirt.

Binuksan ko ang camera ko at kinuhanan ko s'ya ng litrato. Ang unang litrato na nakunan ko gamit ang DSLR na ito ay ang natutulog na mukha ni Dark Harris. It's cute!

Napapangiti ako at sinoom ko ang pag-picture sa mukha n'ya. Napatihaya s'ya at medyo tumakip sa noo n'ya ang kaniyang buhok.

I shot some pictures of him while he was sleeping. Kinuhanan ko din ng picture ang buong kwarto n'ya dahil ang gandang tingnan! Kulay gray ang pintura at sobrang dami n'yang libro. Akala ko sa library lang ang madaming libro..... pati rin pala sa kwarto ng lalaking ito.

Kumuha ako ng isa at tiningnan kung ano ang title at kung sino ang author.

100 Days, My Girl, written by KnightInDark

I'm so curious about the story, but I guess it is tragic. Familiar with the title? Ah! Ito yung hawak na libro ni Dark Guy noong sinamahan n'ya ako sa lake! Tama! Ito 'yun! Kinuhanan ko ng picture ang libro dahil nagagandahan ako sa book cover at maging sa title.

100 Days Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon