June 12 (D-9) Moon
June 13-15 (D10-12)PS: Unexpected moments
(It means our main character failed to complete her list.)Dedicated to CharynaDoroteo
---
Nasa tambayan ako kasama si Dark Harris. Pinasuotan n'ya ako ng makapal na jacket with the thickest hat. Balot na balot ang katawan ko, ayaw pa akong payagan ni Dark Harris na lumabas ngayong gabi dahil sa mahamog. Pero mapilit ako kaya andito ako ngayon at kasama s'ya.Madalas na busy si Xavier kaya hindi na s'ya nakakalapit sakin para mag kwento ng kung ano ano about sa Kuya n'ya. He admires his brother a lot. Busy rin naman si Dark Harris sa kaniyang mga on-going stories. But I am so thankful, dahil kahit busy s'ya ay may oras parin s'ya para samahan ako. Inaalagaan n'ya ako kahit na hindi n'ya naman dapat gawin.
Isa akong pabigat sa buhay n'ya, and now I'm regretting that I ran away from that hospital. Hindi ko gusto na mapuno ng kalungkutan ang buhay ng magkapatid dahil sa nakilala nila ako. I won't allow that I will be their nightmare soon.
"Babalik na ako sa abandonadong bahay bukas." Mahinang sabi ko. Ito lamang ang paraan para matakasan ko na pati s'ya ay mawasak dahil nakilala n'ya ako.
"Stay here, Britney. I won't ask you anything." Said Tugon ni Harris. Napapikit ako, muling pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Dark Harris kahapon.
"I won't hurt you. I wouldn't bring you to the place that you are afraid to come, but be honest, tell me the truth, and I promise I will protect"
Hindi ako umamin sa kaniya, kahit alam kong may alam na s'ya. Hinayaan n'ya nalang akong magpahinga. I'm scared sa totoo lang, sinungaling ako pero hindi ko alam kong kaya ko pa bang itago kay Dark Harris ang lahat.
"Dark Harris, bakit ganito ang trato mo sakin?" Mahina kong tanong. Namamaos na talaga ang boses ko, I don't know kung hanggang kailan ganito? But I think I can't hold on any longer.
"I couldn't abandon you, Britney." he answered. He likes abandoned things. I don't need his care at all.
"Just keep quiet, Dark Harris; I am enjoying watching the full moon." I said. Sinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Dark Harris para hindi na ako mahirapan na tingalain ang maliwanag na buwan.
"Gusto ko lang mabuhay ng normal at maranasan kong paano ang mabuhay pero ayaw yata sakin ng mundo dahil pinahihirapan n'ya ako ngayon!" Napuno ng luha ang aking mga mata, nanatili lang akong nakatitig sa nakakaakit na Buwan.
Minsan hinihiling ko nalang rin na mamatay. Pero may pangarap ako kaya sa mga natitirang sandali ay hindi ko sasayangin sa pagtupad ng mga pangarap ko.
"Sabi mo kapag sinabi ko sayo ang lahat, protektahan mo ako. Totoo ba iyon Dark Harris?" I asked him. Naramdaman ko ang marahan n'yang pagtango.
"Of course, Britney." he answered.
"Huwag ngayon Dark Harris. Kaya kong protektahan ang sarili ko! Kayang kaya ko Dark Harris!" Lumakas ang boses ko. Napatayo narin ako at tinitigan s'ya ng matalim.
"Huwag mo akong tulungan! Hayaan mo akong maka survive ng mag isa lang!" I yelled. Iniwan ko s'yang mag Isa doon. Hindi ko nakita ang reaksyon n'ya dahil madilim. Dapat ko itong gawin, hindi ko gustong maugnay kay Dark Harris. May pangarap s'ya at meron din ako.
Bigla akong nanghina dahil bumalik sa alaala ko ang lahat. Dahil kay Dark Harris, nakarating ako sa ika siyam na araw. Hindi ko dapat sinabi kay Dark Harris ang lahat ng iyon. Wala s'yang ibang ginawa kundi ang tulungan ako, at sa inasta ko kanina ay parang wala akong utang na loob sa kabutihan ng binata.
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"It all began 100 days from that awful day. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days. It may have put an expiration date on my life, but it won'...