Special Chapter: Xavier's Point of View

139 24 0
                                        

10 Years Later

“Daddy!” nakangiting sabi ni Dark Harrison.... My firstborn baby. He looks so much like Kuya Harris. He’s seven years old now. Tunay nga, minahal ng lubos ng asawa ko ang aking kapatid..... dahil pati ang anak namin, kamukhang-kamukha ni Kuya.

Yung huling sandali na nakasama ko si Kuya... binigyan niya ako ng pangalan para sa panganay ko. Tulad ng sinabi niya.. Dark Harrison ang ipinangalan ko. Nagawa ko rin na maging lalaki ang maging panganay ko. Siguro ngayon, masaya si Kuya para sa akin, para sa amin ni Georgia.

Si Georgia. She’s my true love. Alam kong minahal niya si Kuya..... pero kahit noon pa man, hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko para kay Georgia. Mas matanda siya sa akin, pero age doesn't matter naman kapag nagmamahalan.

Minahal ako ni Georgia higit sa pagmamahal niya kay Kuya. Hindi naman ako nag-alinlangan sa pagmamahal ko sa kaniya. 9 years narin kaming kasal.

“Georgia, sisiguraduhin kong carbon copy ko na ang second baby natin, ha.”

Ten years na kaming naninirahan dito sa Switzerland. After a week noon, sumunod rin sina Pinky at Anthony. Akala ko noon, kasama nila si Kuya Harris at Britney… pero..... Isang balita nalang ang nagwasak sa mundo ko ng matagpuan ang bangkay ni Kuya at Britney sa tahanan ni Tony Antonio Clifford. Tulad ng ginagawa ng duwag, tumakas naman ang demonyong matanda.

Kuya Elton and Kuya Harris left me with a scar I can never heal.

“Daddy, please! Tell me more about Tito Harris!” he smiled again. Lumaki si Dark Harrison na interesado sa buhay ni Kuya... tinatanong niya rin sakin kung paano nawala ang Tito niya at ang kasintahan nitong si Britney.

“Baby, your Tito Harris and Tita Britney lived happily ever after.” Nginitian ko si Dark Harrison. Napatalon siya sa tuwa.

“Really? I am so happy for them!” he said excitedly.

“Ang saya naman ng mag-ama ko?” ngiti ni Georgia. Agad siyang lumapit at niyakap ang aming anak na nagtataka.

"Mommy, I want to meet Tito Harris and Tita Pein." Nanguso pa siya. Napakagat ako sa labi. Parang gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit palagi kong binabanggit si Kuya sa kaniya.

Si Anthony ang kumuha ng bangkay nina Kuya Harris at Britney..... at dito namin sila inilibing, sa Switzerland. Tahimik dito. Switzerland is peaceful place… for them. Nagsasama sila dito ng mapayapa... walang sakit, at lungkot. Alam kung masaya na si Kuya at Britney dito.

Si Don Tony Antonio Clifford naman ay namatay na siya.... hindi s'ya namatay ng payapa. Nagkaroon s'ya ng maraming sakit at nagdurusa araw araw sa matinding sakit na nararamdaman niya. Hindi siya namatay agad nagdusa muna siya ng matagal sa sakit na hindi matukoy. Wala siyang nagawa. Not even his wealth could save him. Nasisigurado ko na pinarusahan siya ng langit.

Niyakap kami ni Georgia. Tinitigan ko siya bago siya halikan sa labi. Maganda parin ang asawa ko, walang kupas.

“Mommy, Daddy…” pout ng anak namin.

“He’s an author, right? I want to buy some books written by KnightInDark.” he giggled. He likes writing too... just like Kuya Harris.

"Mag bakasyon tayo doon sa bahay namin baby. Doon, sayong sayo na ang lahat ng libro ng Tito mo." Ngiti ko. Napatalon naman sa tuwa ang bata.

Meron kaming care takecare sa white house. Sinigurado ko na hindi masisira ang bahay namin doon ni Kuya at manatili itong malinis. Ang bahay na iyon, ay alaala pa yun ng mga magulang namin.

100 Days Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon