July 10-13 (Dㅡ 38-41)
PS. Unexpected moments
(It means Pein Claire Clifford failed on doing her list)
July 14 D-42 Be brave.
ㅡㅡㅡㅡ
Wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi takot. Nababalot ng takot ang aking puso dahil sa biglaang pangyayaring ito. Hindi ko pa napaghandaan ang araw na ito. Kinamumuhian ba ako ng mundo? Kaya ba ganito ang nararanasan ko dahil ito ang nababagay sa isang tulad ko?
Bakit kailangan pang mangyari ito? Bakit kailangan pa nilang mahanap ang lugar na ito! Andito sila! Naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila sa labas. Nakasilip pa rin ako rito sa balcony dito sa second floor. Is fate doing this on purpose? Why now? Now that I'm too weak.
"Napuntahan na namin ang lahat ng Lugar na maari n'yang mapuntahan. Dito na lang ang hindi pa namin napuntahan dahil akala namin ay wala ng nakatira dito." matabang sabi ng mga tauhan ni Daddy. Damn! Hindi pwede ito!
Kahit magmakaawa pa ako kay Daddy ay alam kong hindi nila ako mapagbigyan. He became selfish because of his intention to let me live.... live me in that hell?
"I don't even know who you're talking about." Dark Harris coldly said.
"Kung wala s'ya dito ay payagan mo kaming hanapin s'ya loob!" sigaw ng isa. Mukhang galit na s'ya dahil sa mga pabalang na sagot ni Dark Harris.
"I'm not stupid enough to allow someone I don't know to live in my house." muling sagot ni Dark Harris. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko; nanginginig na ang buo kong katawan. Hindi ko na kayang maglakad pa.
"Ikaw lang ba mag-isa ang nakatira dito?" someone asked.
"I'm with my brother." he replied.
Napatawa sila dahil sa sinabi ni Dark.
"Para wala ng gulo ay payagan mo kaming hanapin s'ya sa loob, Sir. Hindi kami aalis dito hangga't hindi namin masiguro na wala dito ang hinahanap namin." matabang sabi ng lalaki.
Kailangan ko na talagang makaalis dito! Hindi nila ako pwedeng makita! Sakaling malaman nila na tinatago ako ni Dark Harris, mapapahamak din s'ya. I know Daddy.... he will also resent Dark Harris, and I don't let that happen. Hindi pwedeng madamay si Dark Harris dahil sakin.
As long as I can do something, I will protect him. He is also struggling in his life and I don't want to be the cause of his suffering.
"Sir! May tao sa second floor!"
Fvck! Nakikita mula sa ibaba ang aking anino. Kahit sobrang sama ng pakiramdam ko, pinilit kong tumayo. Wala na akong ibang maisip kundi ang umalis dito. I'm sorry, Dark Harris... I can't stay by your side forever.
I never thought this day would come, na mahanap nila ako. I thought I was safe dahil nasa tagong lugar ako. Akala ko ay dito ako nababagay, pero napakasama ng kapalaran sa akin. Hindi na niya ako pinayagang mabuhay ng matagal at ngayon pinagkakait pa ang pagkakataon na makasama ko si Dark Harris.
Naririnig ko mula sa ilalim ang kanilang mga tapak. Malaki ang mansion na ito at mahihirapan silang mahanap ang daan papunta rito.
Kinuha ko ang manikin at inilagay ko sa balcony. Hindi nila dapat malaman na nagsisinungaling si Dark Harris.
Agad akong nagsulat ng sulat para kay Dark Harris. I don't know what will happen next, but I will do anything just to see him again.
See you next Wednesday. Sa abandonadong parke. I wish you stay healthy and live happily. I love you so much, Dark Harris Montero.
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
