"Baby Girl," sambit niya. Bigla akong kinilabutan sa habang nakatingin siya sa akin.
I stared at him until he reached where I was. Ngayon ko lang nakita ang kabuohan niya nang makalapit siya sa akin ng ilang metro.
I wasn't wrong! Siya nga ang lalaking himahanap ko!
"Ikaw?! Sinasabi ko na nga ba!" sigaw ko sa kaniya at masama siyang tinignan.
Nagulat ako ng itapon niya ang sigarilyo na hawak niya bago ngumiti sa akin. He still looks like a gangster.
"Calm down," nakangiting sambit niya at lumapit pa sa akin. Medyo napa-atras ako dahil sa kaba.
"What do you need? Why are you bothering me?" mataray na tanong ko sa kaniya. Pero imbes na sagutin ako ay lumapit siya sa akin.
"Paano mo nalaman ang cellphone number ko? Sino ka ba?" dugtong na tanong ko habang dahan-dahang umaatras.
Nakatingin lang siya sa akin ng diretso habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng jacket niya.
"Gusto mo talaga malaman?" tanong niya pa habang nakatingin sa akin.
Mas lalo akong kinabahan sa kilos niya. Hindi ko namalayan na may poste pala sa likod ko kaya napahinto ako.
Tinignan ko lang siya ng masama. Muli siyang ngumiti at luamapit sa akin.
"Don't come near me or I will sue you!" sigaw ko sa kaniya.
" May gusto lang akong ipakita," sabi niya pa at ngumiti.
Muli siyang lumapit sa akin at ipinakita ang screen ng cellphone niya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang video na naka-play sa cellphone niya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa napanood ko.
Nakangisi lang siyang nakatingin sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.
Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya. Nanatili siyang nakangiti sa akin.
"What the hell do you want?" seryosong tanong ko.
Nakakainis talaga ang lalaking ito! Mas lalo akong kinakabahan ngayon dahil sa video na ipinakita niya.
Hindi pwede ito! Hindi ako papayag na ganituhin lang ako ng pesteng lalaking to!
Muli siyang lumapit sa akin bago bumulong.
"Ikaw," sabi niya na ikinatigil ko.
"Nagpapatawa ka ba?" mataray na tanong ko sa kaniya.
"Mukha ba akong nagpapatawa?" pilosopong tanong niya naman sa akin.
Tumingin ako sa kaniya at kita ko namang seryoso nga siya.
"You are insane!" sigaw ko sa kaniya habang natatawa pa dahil sa sinabi niya.
"Do you really think na papatol ako sa gangster na katulad mo? Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ka nagmula!" sabi ko sa kaniya habang natatawa pang tumingin sa kaniya.
"Fine, kung hindi ka papayag sa gusto ko. Ikakalat ko ang video na to," sabi niya pa habang iwagayway pa ang cellphone niya habang naka-play ang video naming dalawa.
Fuck him! I hate this jerk!
"Go ahead! Hindi ako natatakot. Mas lalo akong sisikat at kababaliwan ng mga lalaki kung ilalabas mo yan. Mas lalo mo lang pinapalago ang career ko," nakangiting sambit ko kahit na ang totoo ay sobra na akong kinakabahan.
Pero hindi naman ako pwedeng pumayag sa gusto niya.
Kung iniisip niyang maiisahan niya ako, nagkakamali siya. Siya ang paiikutin ko sa mga kamay ko. Nagkamali ata siya ng binabangga!
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Halos magdikit na ang aming mga mukha.
Tinitigan niya ako sa mata. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Ito na naman ang pakiramdam na parang hinihigop niya ang lakas ko.
Ngayon ko lang nakita na ang ganda ng mga mata niya. Ang haba ng mga pilik-mata niya at ang tangos ng ilong niya.
"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong niya kaya naman naputol ang panunuri ko sa mukha niya nang magsalita siya.
Agad akong napatingin sa hawak niya. Nakita ko ang key chain ko kasama ang mga keys ko.
Sinasabi ko na nga ba!
Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang key chain at agad siyang tinulak palayo."Do whatever you want! Hinding-hindi mo makukuha ang gusto mo!" sabi ko bago ako lumakad palabas ng golf club.
Nakakabwesit siya! Muntik na naman niya akong isahan!Nakarating ako sa gate at nakita ko doon ang guard na nakaharang sa gate. Napataas ang kilay kong tinignan siya.
"Huwag mong hinaharangan ang daan ko," sabi ko sa kanya pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa harap ng gate.
"Sir," tawag niya kaya naman napapikit ako. Ano na naman bang kailangan ng lalaking ito?
Masama ko siyang tiningnan habang papalapit siya. Sumenyas siya sa guard at kasunod noon ay pinagbuksan niya ako ng gate.
Tinarayan ko siya bago ako nag-flip hair at lumabs ng gate. Pumasok ako sa loob ng kotse bago ako nag-drive pauwi.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...