TALIA’S POV
“Good job, Talia! You are ready for your runaway,” sabi ni Miss Alexa habang namamanghang tumingin sa akin.
“By next year, pwede ka nang sumalang sa MPX. You will meet the newest model of MPX. At ang masasabi ko ay ang swerte mo,” sabi niya pa sa akin kaya naman ngumiti na lang ako.
Hindi ko naman kasi talaga gusto ng iba. Si Riley lang ay sapat na.
After finishing my training, I went home immediately because I still needed to take care of something.
qI need to submit all my projects before the end of the year. Fortunately, I did everything I needed to do.
When I got home, I immediately got dressed for a while before submitting it to school.
It's perfect, and the car is in good condition.
When we arrived, a lot of students give me a way.
Hindi na ako nag-abalang tingnan pa sila. Kanina pa nasa cafeteria sila Kylie at Vanessa.
Hindi na ako nagmadali pang pumunta doon dahil alam ko namang puro chismis lang ang aatupagin nila.
Dumiretso ako sa professor’s office. Ipinasa ko ang mga project ko bago ako umalis sa lugar na iyon.
Dumiretso ako sa cafeteria at nakita ko naman agad si Kylie at Vanessa na kumakain.
Dumiretso ako sa kung asan sila bago ko inilapag ang bag ko sa upuan.
“OMG! How’s your training?” tanong ni Vanessa sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago bumaling ng tingin sa kaniya.
“It’s good,” sagot ko sa kaniya.
Ang totoo nakakapagod pala talaga ang ganong trabaho.
I want to get rest but I need to comply to all my professor.
“You look tired,” sabat ni Kylie habang nakatingin sa akin.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Kanina pa hindi maganda ang gising ko.
Mabuti na lang at walang gaanong ginawa sa training kundi ang tamang posture lang.
Ilang minuto lang ang lumipas nang matapos kaming kumain.
Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong makaramdam ng hilo.
Napahawak ako kay Kylie agad naman nila akong inlalayan na makaupo.
“Hey, Talia. Are you okay?” tanong niya sa akin medyo nahihilo ako kaya naman pumikit ako.
Pero nang akmang tatayo na ako bigla na namang nagdilim ang paningin ko dahilan para tuluyan akong bumagsak.
***
Nagising ako nang makita ang puting kisame. Hindi ito ang kwarto ko.
Dahan-dahan akong bumangon at nilibot ang paningin sa loob ng kwarto.
Walang tao na nandito, akmang tatayo ako nang biglang may pumasok na nurse.
“Miss Gibson, gising ka na pala,” sabi niya sa akin bago inilapag ang dala niya.
“What happened?” tanong ko sa kaniya bago siya tumingin sa akin at nagsalita.
“Dinala ka ng mga schoolmate mo dito kanina na walang malay. Na-check ka na rin ng doctor at nakuha ko na ang result mo. Na-over fatigue ka,” sabi niya pa habang umupo sa tabi ko.
“You need to take a rest. Since sembreak niyo at nakausap na ni Dean ang Mom mo, papunta na sila dito,” sabi niya pa.
Bigla kong naalala na si Kylie at Vanessa ang huling kasama ko sa cafeteria.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...