VICTORIA'S POV
Katatapos lang ng shoot ko ngayon at medyo pagod ako.
Gusto ko lang talaga makapagpahinga dahil napapagod ako.
Pagkauwi na pagkauwi namin ay sinalubong agad ako ni Eliz.
Kinuha niya ang mga gamit ko at inakyat sa kwarto ko.
Alam kong curious pa rin siya kaya naman tiningnan ko lang siya nang nagtataka.
"Anong nangyari? Bakit parang hindi ka mapakali? Natatakot ka ba?" tanong niya sa akin.
Tinarayan ko naman siya bago nagsalita.
"Ako matatakot? Bakit naman ako matatakot? Sila ang dapat matakot sa akin, Elizabeth. Im Victoria Green, remember?" nakangising sambit ko pa.
"How about Ashton? Paano na lang kung gumawa na naman siya ng bagay na magpapasira sa iyo?" natatakot na tanong niya.
"Calm down, Eliz. Walang mangyayari sa akin. Hindi niya magagawa iyon dahil sisiguraduhin kong hindi na siya makakakilos pa nang masama laban sa akin," sambit ko pa sa kaniya.
"Ako ang natatakot, Iya. Dahil iba ang utak ng lalaking iyon. Lalo na at alam niya ang tungkol sa inyo ni Conrad." Tumawa naman ako bago muling nagsalita.
"Relax. I can handle it," nakangiting sambit ko pa habang prenteng nakahiga sa kama.
"Halika na nga, kumain na tayo," sambit ni Eliz kaya naman tumayo na ako para kumain.
Paglabas namin wala si Conrad kaya nagtanong ako kay Manang kung nasaan siya.
Bigla-bigla na lang siyang naalis nang hindi nag-papaalam.
"Madam, umalis po agad si Conrad noong dumating kayo. Hindi po nagsabi kung saan pupunta," sambit niya sa akin kaya naman napataas ang kilay ko at tiningnan si Eliz.
“I know you know where is he. Why you don’t tell me what is he hiding?” mataray na tanong ko.
Hindi kasi maganda ang kutob ko lalo na at alam kong may sikreto si Conrad.
"Iyah, I don't want to mind you and Niel. Or about your relationship. Just you need to be calm and find out the truth," Eliz explains.
"Whatever," sambit ko bago umikot ang mata at dumiretso kusina.
Kumain kami ng tahimik ni Eliz hanggang sa matapos kami ay hindi dumating si Conrad.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
Sobra ang kaba na nararamdaman ko. Iba yung kabang nararamdaman ko. Nasaan ka na ba Conrad?
“Are you okay?” nagtatakang tanong pa ni Eliz sa akin.
Hindi ako sumagot bagkus ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Agad kong tinawagan si Conrad subalit hanggang pag-ring lang iyon.
Hindi ko tinigilan ang pagtawag sa kaniya pero hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag ko.
Hindi ko magawang mapakali.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano bang nangyayari? Bakit ganito ang pakiramdam ko?
“Iyah, calm down. Uuwi rin siya hintayin na lang natin baka busy lang,” sabi pa ni Eliz.
Hindi ko siya pinakinggan. Hinintay ko pa rin sumagot si Conrad.
***
Makalipas ang ilang oras ay nagpasya akong bumaba dahil narinig ko mismo na paparating na si Conrad.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...