VICTORIA’S POV
“I love you, Victoria green!” rinig kong sigaw ng isang fan ko sa di kalayuan.
Kita ko rin ang ibang may mga tarpaulin pa na may mukha ko. Kaya naman napangiti ako sa kanila. Patapos na ang mall tour namin.
Papasok na sana ako ng backstage nang biglang may kumalabit sa akin.
Nang mapalingon ako ay nakita ko ang isang dalagita na nagpupumiglas habang hawak ng guard.
“Teka lang po, Mamang guard! May ibibigay lang ako kay Miss Victoria!” sigaw niya at hindi pa rin natigil sa kakapiglas.
Hindi ko alam kung bakit ako lumapit sa kanila dahilan para mapatingin at mapatigil sila sa akin.
“Ma’am, pasensya na po,” sabi ng gaurd bago nito binuhat ang bata pababa sa stage.
“Wait, let her go,” sabi ko sa kaniya.
Agad naman akong sinabihan ni Eliz.
“But, Iya–” Hindi ko na pinatapos pa sasabihin niya at lumapit na ako sa bata.
Nakita ko naman na lumawak ang ngiti niya habang nagmamadaling lumapit sa akin.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
Sa di kalayuan nakita ko ang isang babae na nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan namin.
Mukhang siya ang nanay ng batang ito.
“Idol na idol po kita matagal na, Miss Victoria!” sabi niya pa sa akin habang nakangiti.
Ngumiti naman ako sa kaniya, napatingin ako sa dala niyang paperbag.
“Nicole! Naku ka talagang bata ka! Pasensya na po talaga, Miss Victoria,” sabi niya habang akmang hihilahin na ang bata nang magsalita ito.
“Mama, sandali lang po. Ibibigay ko lang ito kay Miss Victoria,” sabi nito at nagpupumilit na bumalik sa harap ko.
“Iya, let’s go?” tanong sa akin ni Conrad pero hindi ko sila pinansin.
“Miss Victoria, para po sa inyo. Ako po mismo ang gumawa niyan,” sabi niya habang nakangiti.
Nagtataka naman akong binuksan kung ano iyon. Isang bonet na may pangalan ko.
“Thank you,” sabi ko at niyakap pa ulit.
Nakita ko na tuwang-tuwa siya sa pagyakap ko sa kaniya.
Inaya na ako ni Eliz na pumasok sa loob.
“Mukhang natuwa ka ata sa bata? Hindi ka naman ganiyan dati sa fans mo,” sabi ni Eliz.
Tinarayan ko na lang siya bago ako naunang maglakad.
Ang gulo rin nila, ang sabi nila ay maging mabait ako sa mga fans ko tapos ngayon ginawa ko magtatanong sila?
Kaya ayoko talaga maging plastic.
But honestly? Natuwa ako doon sa bata, at the young age, she idolized me.
For sure, she loves my fashion and my acting.
Dahil sa gusto ko nang magpahinga ay lumabas na ako, may dinner naman raw pero dahil hindi ako comfortable lalo na at nandito si Conrad ay mas gugustuhin ko na lang ang umuwi.
“Eliz, kung gusto mong kumain, magpaiwan ka. Basta ako uuwi na ako at gusto kong humiga,” sabi ko pa sa kaniya.
Kanina pa kasi siya nanghihinayang dahil hindi man lang raw niya makakasama si Elison.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...