VS 43

22 0 0
                                    

SAMANTHA’S POV

Excited akong lumabas ng kwarto dahil nasa labas raw si Conrad.

Hindi na ako nag-abalang mag-makeup pa at dali-daling bumaba sa sala.

Nakita ko namang nakangiti siya habang nakatingin sa akin at may hawak na bouquet.

Nang makalapit ako ay agad ko siyang niyakap.

“Babu,” sambit ko sa at hinalikan naman niya ako sa labi.

Ibinigay niya ang boquet sa akin at agad ko naman siyang tiningnan.

“Bouquet na naman?  Hindi ba sabi kong huwag ka nang–” Hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako.

Napangiti naman ako sa ginawa niya.

“Hayaan mo akong gawin ito sa iyo,” sabi niya pa habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko.

Pinulupot ko naman ang braso ko sa leeg niya. Naramdaman kong mas hinigpitan niya pa ang pagkapit sa baywang ko.

“Busy ka ba?” tanong niya sa akin.

Umiling naman ako at muling tumingin sa kaniya ng natataka.

“Tara?” sa,bit niya na ikinagulat ko.

“Wala ka bang pasok? Baka hanapin ka ni Iyah–” Pero agad niya akong hinalikan sa labi ko bago nagsalita muli.

“Don’t worry, nag-paalam ako,” sabi niya pa at ngumiti.

“Kanina ko pa napapansin na panay halik ka, may kasalanan ka, ano?” sabi ko sa kaniya habang nakatingin ng nagtataka.

“Masama bang halikan ka?” tanong niya pa sa akin kaya naman hindi ko naitago ang kilig na nararamdaman ko.

“Bolero ka talga,” sabi ko pa at kumalas sa kaniya pero agad niya akong hinigit papalapit sa kaniya.

Akmang hahalikan niya ako nang magsalita si Avianna.

“Oh, nandito ka pala, Kuya,” sabi ni Avi kaya naman napakamot si Conrad dahil hindi niya naituloy ang dapat na gagawin niya.

Natawa na lang ako dahil sa nangyari.

“Mag-date kayo, ano?” sabi niya pa at kinakantyawan kami.

“Mukhang busy naman ang ate mo,” sabi pa niya na animo’y nalungkot.

“May sinabi ba ako?” tanong ko sa kaniya dahilan para magliwanag ang mga mata niya.

“So, halika na?” tanong niya pa sa akin.

Bigla kong naalala na nakapangbahay lang ako kaya naman bigla akong nagsalita.

“Teka lang, diyan ka lang, Ha? Magbibihis lang ako,” sambit ko at akmang aalis nang bigla niya akong higitin.

“Huwag ka nang magbihis at magpaganda.You are gorgeous,” sabi niya pa kaya naman hinampas ko siya ng mahina.

“Babu naman. Nakakahiya, isa pa mag-disguise lang naman ako,” sambit ko pa sa kaniya dahil bawal akong makita ng ibang mga tao na kasama ang body guard ni Iya.

Hindi pa pwede hangga’t hindi pa siya napasok sa showbiz.

Ayaw rin kasi niyang masira ang career ko kaya alam kong naiintindihan niya ako.

“Bilisan mo,” sabi niya at hinalikan pa ako sa labi bago niya ako pinakawalan.

Napangiti naman ako bago umakyat sa hagdan at nagbihis sa kwarto ko. Ilang minuto lang nang matapos ako.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now