VICTORIA’S POINT OF VIEW.
“Excuse me,” sambit ko sa kanila bagay na ikinagulat nila Eliz.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Eliz sa akin.
“May pupuntahan lang ako,” sagot ko sa kaniya bago ako lumabas ng bahay.
Akmang bubuksan ko na ang kotse ko nang magsalita si Conrad.
“Sasamahan kita,” sambit niya pero agad akong umiling.
“Nope, I can handle. Dito ka na lang,” sabi ko pa at agad na pumasok sa loob ng kotse at nag-drive na paalis.
Hindi maalis ang inis ko lalo nang makita ko na tumatawag muli si Ashton.
Nakakainis! Paano niya nagawa iyon?
Dahil sa kaba ko ay agad kong tinawagan si Eliz.
Sinabi ko naman na ang balak ko sa kaniya kanina pero hindi niya alam kung ano ang gagawin ko ngayon.
Isa na lang ang naiisip kong maari kong gamitin laban sa lalaking iyon.
“Iyah! Asan ka ba, ha? Don’t tell me pumunta ka talaga sa lalaking iyon?” tanong ni Eliz sa akin.
“I have no choice but I need to teach him a lesson,” sabi ko pa hyabang inis na inis pa rin.
“Paano kung may binabalak siya sa iyo? Hindi mo kaya! Dapat sinabi mo na lang kay Conrad kanina nang nasamahan ka niya–”
“No way! Huwag na huwag mong babaggitin sa kaniya,” sabi ko sa kanya.
“I have a plan. Ang kailangan ko lang ang tulong mo,” dagdag ko.
Hindi ako pwedeng matalo ng lalaking iyon. Never! Mali siya ng binabangga! Tuturuan kita ng leksyon!
Imbes na dumiretso kung nasaan siya ay nag-iba ako ng daan. Isang lugar lang naman ang alam kong pwede ko siyang paikutin.
Napangiti ako ng mapahinto ako sa harap ng bar. Pumasok ako at agad naman akong binati ng mga bouncer.
Ngumiti lang ako bago dumiretso sa vip room.
Ilang saglit pa ay dumating na ang mga order kong alak at isa-isa ko iyong ininom.
Nang makainom ako ng isang bote ay sakto ang pagtawag niya kaya agad ko iyong sinagot.
“Victoria, My loves, where are you?” tanong niya pa kaya napangiti ako.
“Im here at the bar, meet me here,” sabi ko pa sa kaniya at ipinatay iyon.
Alam ko namang baliw na baliw siya sa akin kaya hindi siya magdadalawang isip na puntahan ako.
I have no choice. Gagamitin ko ang sarili ko para mailigtas rin ako.
Nagsimula akong uminom nang uminom.
Medyo nahihilo ako pero kaya ko pa naman dahil sanay ako sa ganito.
Ilang saglit pa ay pumasok ang isang bouncer.
Nasa labas na raw si Ashton kaya naman pumayag ako na papasukin siya.
Ilang saglit pa nang bumukas muli ang pinto at bumungad si Ashton sa akin.
Nagulat siya ng makita ako kaya naman ibinaba ko ang basong hawak ko at tiningnan siya ng malagkit.
“What is this?” nagtatakang tranong niya kaya naman tinignan ko lang siya at tumayo ako.
Lumapit pa ako sa kaniya para mas lalong kapani-paniwala. Itinulak ko naman siya sa sofa dahilan para mapangisi siya.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...