TALIA’S POV
Akala ko ang sasaya na ako dahil nandito kami sa bahay nila Riley pero mas lalo pala akong maiinis dahil kay Avianna na hindi tumitigil sa pagpapasikat sa mga tao dito.
“Nasa highest rank si Riley ngayon hindi ba?” tanong ni Tita Chantal kay Tita Val habang nakangiting nakatingin kay Riley.
“Yes, Since malapit na rin ang graduation at three months na lang ang hihintayin. College na sila,” sabi ni Tita Valeria.
December na ngayon at may three months na lang ako para tapusin ang mga hindi ko tinapos na projects.
“How about you, Natalia? Ang sabi sa akin ni Avianna ay ikaw nakoronahan this school year as Miss Eastwood,” sabi ni Tita Chantal kaya napangiti na lang ako sa kaniya.
“Sabagay, nakakapagtaka ba naman iyon? Sa ganda mong iyan, dapat lang na ikaw ang maging Miss Eastwood,” papuri pa niya.
“Thank you,” sambit ko habang nakangiti sa kaniya, nabaling naman ang tingin ko kay Avianna at agad siyang inirapan.
“So, anong balak niyo this coming christmas eve?” tanong ni Tita Val sa amin.
“Same last year, kakain lang kami ng sabay," sabi ni Mom habang kumakain.
“Napagdesisysonan kasi namin ni Samantha na mag-christmas eves, she want to invite you. For sure matutuwa sila ni Iya kung malalaman nilang bumalik na kayo dito,” sabi ni Tita Chantal.
Napataas naman ang kilay ko dahil wala akong ideya kung ano ang tinutukoy niya.
“Hindi pa pala sila nagkikita ni Pako, sigurado akong matutuwa ang mga yon lalo na si Samantha,” sambit naman ni Tita Val.
Napatingin ako kay Mom na napatingin rin sa akin.
Hindi talaga nila alam na nagkita na sila? Medyo nalito ako dahil bakit si Ate Sam ang matutuwa kung sakaling malaman niya?
“I remember those days noong bata pa sila, madalas ipagtanggol ni Pako si Samantha sa tuwing mag-kaaway si Victoria at Samantha. He really likes Samantha,” natatawang sabi pa ni Tita Val na para bang namamangha.
“I think until now, he really likes her,” sabat naman ni Mom na ikinagulat ko.
Medyo nalilito na ako maski si Avianna na hindi rin makapaniwala sa mga sinasabi nila.
“Sayang naman dahil may boyfriend na si Samantha, for sure nasasaktan ang babyboy ko,” sabi pa ni Mom.
Gulong-gulo na ako dito, so may gusto si Kuya kay Ate Samantha? Pero bakit kasama niya lagi si Ate Victoria?
Kung ako ang tatanungin ayokong makatuluyan ni Kuya ang kahit na sino sa kanila.
Dahil kung kay Ate Victoria siya, hindi na kami pwede ni Riley pero kung kay Ate Sam naman ay magiging parte ng pamilya ko si Avianna!
Ayokong mangyari iyon! Kailangan gumawa ako ng paraan para hindi sila magkatuluyan! Hindi ito pwede!
Ilang oras ang lumipas at hindi pa rin ako nalilinawan. Gusto kong magtanong kay Mom dahil alam naman niyang mag-jowa si Ate Victoria at Kuya. Nang makauwi kami, agad akong nagtanong sa kaniya.
“Mom? Bakit hindi mo sinabi na nakita ko silang magkasama ni Ate Victoria at si Kuya? Ank bang meron at bakit si Ate Sam ang sinasabi mong mahal ni Kuya?” tanong ko dahil gulong-gulo na talaga ako.
Napangiti naman si Mom sa tanong ko bago siya umupo sa sofa. Umupo na rin ako dahil alam kong may ik-kwento siya sa akin sa nakaraan nila Kuya.
“Simula pagkabata, nakikita kong si Conrad at si Sam ang nagkakagustuhan noon pa. Alam kong matagal na niyang hinahangaan si Samantha. Ang sabi pa niya noong paalis kami ay ayaw niyang sumama dahil hindi na niya makikita si Sam,” sabi pa ni Mom na ikinagulat ko.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...