VS 39

42 2 0
                                    

VICTORIA’S POV

Nakakasilaw na flash ng camera ang bumungad sa akin paglabas ko ng airport.

Kakauwi ko lang galing France.

Almost one week rin akong nag-stay doon.

Hinintay ko lang na dumaan ang bagong taon bago ako umuwi.

Like christmas eve, si Guillaume lang rin ang nakasama ko ng new years eve.

And I admit na kahit one week ko lang siyang nakasama ay naging magaan ang loob ko sa kaniya.

He was the one na nakasama ko sa holidays week ko.

Medyo nakaka-miss rin ang kakulitan niya dahil kung saan-saan niyaa ko dinadala.

Kaya naman bago ako umalis ng France at kinuha ko ang shareme niya para naman makatawagan ko pa rin siya kahit na busy kami parehas.

Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ni Eliz kasama niya si Conrad na naghihintay sa labas ng kotse.

Agad namang kinuha ni Conrad ang maleta ko at inilagay sa likod.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad akong pumasok. Nakakahilo pa rin. 

Isinandal ko ang ulo ko bago ko ipinikit ang mata ko.

Back to reality na naman ako dahil tapos na ang vacation at kailangan ko na namang mag-trabaho.

Ilang oras ang lumipas nang gisingin ako ni Eliz. Nasa bahay na pala kami kaya naman agad akong lumabas ng kotse at pumasok sa loob.

Pagpasok ko nagulat ako nang biglang may sumigaw.

“Welcome back! Happy new year!” sigaw nila Samantha habang nakangiti akong sinalubong.

Napangiti na lang ako kahit na pagod ako.

“At dahil umalis ka, ngayon tayo magceleberate,” sabi nila. 

“Masyado pang maaga para diyan,” sabi ko pa dahil alas tres pa lang ng hapon ngayon. 

“Magpahinga ka muna dahil kakailanganin mo ng laks para mamaya,” sabi ni Cameron at inihatid pa ako sa hagdan.

Natawa na lang ako sa ginawa nila kaya naman uamkyat na ako.

Gusto ko talaga magpahinga ngayon kaya naman dumiretso ako sa kwarto bago ako nagpalit at humiga sa kama.

I miss my bed. Kahit na malamboit ang higaan doon ay nakaka-miss pa rin higaan ang kama ko. 

Nagising ako at agad na kinuha ang cellphone ko.

Muli kong tiningnan ang oras sa taas na bahagi nito. Alas-siyete na nang gabi?

Agad akong tumayo bago nag-mouth wash at pagtapos noon ay agad na akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Amoy na amoy ko dito pa lang ang bango ng niluluto sa kusina. Amoy kare-kare iyon,

bigla ko tuloy naalala si Guillaume dahil iyan ang niluto niya noong nasa Paris ako.  

Pumunta ako sa kusina para tingnan kung sino ang nagluluto doon.

Nakita ko naman si Ate Grace habang kasama niya si Conrad na busy sa pagluluto.

“Anong meron?” tanong ko sa kanila dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin.

Nakita ko ang ngiti ni Conrad sa akin bago siya lumapit. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagtataka.

“Welcome celebration for you,” sabi niya pa. 

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now