VS 45

22 0 0
                                    

VICTORIA’S POV

Palabas na ako ng banyo nang biglang bumungad sa akin ang isang lalaki.

Nakasandal siya sa pader sa harap ng pinto ng banyo.

Akmang lalagpasan ko siya nang bigla niya akong harangan.

Tinaasan ko agad siya ng kilay dahil sa inasta niya. Anong problema niya?

“Yes?” tanong ko sa kaniya.

Dahil hindi naman kami close pero kung makaasta siya ay para bang magkaibigan kami.

“Siya ba ang bago mo kaya ni-reject mo ako?” tanong ni Ashton habang prenteng naka-suot ang kamay niya sa bulsa ng jacket niya.

“Pwede ba, Ashton? Wala akong panahon makipag-plastikan sa iyo,” smabit ko at tinarayan lang siya bago ako akmang aalis na pero mabilis naman siyang humarang sa daanan ko.

Huminga ako ng malalim bago tinasaan siya ng kilay.

“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko, Victoria? Anong namamagitan sa inyo ng lalaking iyon?” tanong niya kaya naman mas lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Ano bang pinagsasasabi mo?” tanong ko sa kaniya.

“Huwag kang magpanggap na wala kang alam. Nakita ko kung paano ka niya halikan. Siya ba? Siya ang ipapalit mo sa akin?” tanong niya pa kaya naman tumawa ako ng peke sa kaniya.

“Sino ba ang tinutukoy mo? At for your information, hindi mo ako pag-aari. Hindi nga naging tayo kaya huwag kang mag-assume na pinalitan kita kasi in the first place, hindi ako pumayag na ligawan mo,” mataray na sambit ko.

Tumawa naman siya bagay na ikinainis ko.

“Yung lalaking hinalikan mo. Yung bodyguard mo. Hindi ba hinalikan mo siya kanina?” nakangising sambit niya kaya naman mas lalo akong naalarma sa sinabi niya.

So nakita niya na hinalikan ko si Conard bago ako pumasok dito?

“Hindi ka makapagsalita dahil totoo,” dagdag niya habang hindi pa rin naalis ang ngisi sa labi niya.

Medyo nainis ako kasi sa tuwing ngingisi siya ay para bang may pinaplano siyang hindi maganda.

“Huwag kang ngumisi. Hindi bagay sa iyo. Nagmumukha kang aso,” sabi ko pa at inirapan siya bago ako lumakad palayo pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla na naman siyang humarang.

Ano bang gusto ng lalaking ito? Mabuti na lang at walang katao-tao dito kundi ay malalagot ako.

“Paano kung sabihin ko iyon sa mga reporter?” nakangising sambit niya pa kaya naman natigilan ako at sinamaan siya ng tingin.

“Ano bang kailangan mo nang manahimik ka na?” tanong ko pa sa kaniya habang hindi naalis ang mag masasamang tingin ko dahilan para mas lalo siyang ngumiti.

“Magkita tayo mamaya ite-text ko ang address. See you, My loves,” sambit niya at kinilabutan ako sa pagtawag niyang my loves.

This man is crazy if he thinks he can handle me. If he wants to play, I will give it the best game for him.

And I will make sure that he will regret that he would play with me.

Dahil sa inis ko ay lumabas na ako at dumiretso na sa parking lot.

Naghihintay na doon sina Eliz at Conrad. Gaya ng sinabi ko ay mas gusto kong maging personal makeup artist si Eliz kaya madalas ko na siyang makakasama.

“Iya, are you okay?” tanong niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na papasok sa loob. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ni Conrad.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now