VICTORIA’S POV
Busy ako sa pag-me-make up nang biglang dumating si Eliz.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa kung ano ang ginagawa ko.
“Iyah, bakit hindi mo sinabi sa akin?” bungad na tanong niya.
I knew it. Malalaman at malalaman niya rin kaya hindi na ako nag-abalang magsalita pa.
“About what?”
“Are you the new actress in Samantha’s movie? Are you insane, Iyah?” histerikal na tanong niya na animo’y nanay ko kung pagalitan ako.
Huminga ako ng malalim at itinigil sandali ang ginagawa ko.
Bahagya akong humarap sa kaniya.
“Iyah, I'm just reminding you. You are not the main lead. Si Sam pa rin ang main lead at Conrad,” paalala niya pa kaya naman ngumiti ako.
“I know,” sagot ko at nagpatuloy sa pagpahid ng foundation sa mukha ko.
“At ano na namang binabalak mo? I know you, Iyah. Hindi ka basta-basta tumatanggap ng projects lalo na ang maging isang extra!”
“Just calm down, Eliz. I'm just having fun. Since I’m bored and I want to experience how become an extra,” palusot ko pa sa kaniya.
“Kinakabahan ako sa iniisip mo, Iyah. Alam kong may iba kang dahilan. Hindi ka basta-basta papasok sa isang teleserye nang walang dahilan except kung ikaw ang main lead,” sabi pa niya. Ngumiti naman ako ng matamis sa kaniya.,
“Calm down, stop stressing yourself,” nakangiting sagot ko bago nagpatuloy sa ginagawa ko.
Yes, I'm the new antagonist sa palabas nila Sam. I heard that Heidi is pregnant, so I talked to my manager. At first, Tita X hesitated to do that but I convinced her.
“HIndi ba I told you na mag-palamig ka muna for a while? Kailangan mong palamigin ang issue mo bago ka sumalang sa television,” dagdag pa niya.
“Eliz, can you shut up? Just calm down and relax. Im good,” natatawang sambit ko pa sa kaniya.
Hindi ako papayag na magiging ganito lang ako.
I will make sure na madadamay ang lahat ng taong involve sa pagkasira ng pangalan ko.
Babawiin ko ang mga projects na nawala sa akin.
Hindi ako papayag na maging ganito lang ang kalalabasan ng pinaghirapan ko.
Tamang-tama at may conference bukas about sa role ko as Lucille.
I never acted like an antagonist before that’s why I don’t fucking know if I will act properly the role.
I used to be a protagonist.
Today I have a meeting with the director.
Sa Mpx ang meeting and Im glad dahil kahit na ganoon ay maganda ang pakikitungo nila sa akin.
They treated me like a main lead.
Dapat lang, because Im still Victoria Green. The queen of showbiz.
Nakarating kami sa MPX. Wala si Tita X, hindi na siya sumama pa dahil may isang meeting siya for her another talent.
Kami lang ni Eliz ang nandito habang in-assist kami ng isang staff.
Papunta kami ngayon sa cultural room.
Nang makarating kami ay huminga pa ako ng maallim bago tuluyang pumasok sa loob na ikinagulat ng buong cast.
Maski si Sam ay nagulat nang makita ako. Habang si Conrad naman ay seryosong nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...