VS 20

58 2 0
                                    

VICTORIA’S POV

“I still love you, Jasmine!” sambit ni Eli habang nakatingin sa mga mata ko.

“Peter, you know na hindi tayo pwede. Ikakasal na ako kay Edward,” sabi ko sa kaniya habang naluluhang nakatingin sa mga mata niya.

Agad niyang kinuha ang kamay ko bago iyon hinalikan.

“Jasmine, sumama ka sa akin. Magpakalayo-layo tayo,” sabi niya habang hawak ang mukha ko pero agad ko iyon binawi sa kaniya nang biglang dumating si Edward.

“You are fucking bastard!” sigaw niya kay Peter at agad na sinuntok iyon.

“Edward! Stop it!” sigaw ko habang pinipigilan si Lorence na suntukin si Eli.

“Jasmine is mine! Did you understand? She will be mine alone!” sigaw niya bago muling binigyan ng isang suntok si Peter.

“Edward I said enough!” pigil ko habang worried na nakatingin kay Peter.

“Im so sorry,” sabi ko at bago kami pumasok sa loob ng mansion ni Edward.

“CUT!” rini kong sigaw ni direk.

“Good job!” dagdag pa niya.

Dahil sa namaos ako doon kakasigaw ay umupo muna ako at uminom ng tubig.

Nakakapagod talaga ang ganitong eksena. Mabuti na lang at kabisado ng bawat isa ang mga linya dahil nakakahiya kung magkakamali ka.

“Ang galing mo talaga, Iya! Nadala ako doon!” sabi pa ni Leane habang inaayos ang buhok ko.

Napangiti lang ako at hinanap ng mata ko si Conrad. Hindi ko siya nakita. Asan na naman siya?

“Nga pala lumabas saglit si Nyel. May pinabili si Tita X sa kaniya,” sabi ni Eliz na para bang narinig niya ang nasa utak ko.

Hindi na ako nag-abalang sumagot pa at nag-focus na lang sa script.

Ilang weeks na lang ay matatapos na kami. Kaya kailangan kong galingan para manguna ang movie namin.

Saglit kong iniyuko ang ulo ko dahil medyo inaatok ako.

May 30 minutes pa naman akong break since may ibang kinukuhaan na scene. Alas otso na ng gabi.

Alas dos pa ang tapos ko dito. Kaya mahaba pa ang oras ko at kailangan ko ng lakas para sa eksena mamaya.

Fast Forward

Nang matapos kaming mag-shoot, agad kong ipinikit ang mata ko sa Van pa lang.

Sobra na akong inaantok at nakakailang kape na ako kanina bago ako dalawin ng antok.

Nagising ako nang gisingin ako ni Eliz. Nasa condo na pala kami.

Dahil nabitin ako ay wala akong nagawa kundi ang bumangon, agad naman akong napatingin sa phone ko.

Alas kwatro y media na. Lumabas ako ng van at pumasok ng building.

Ilang minuto lang ay nakarating ako sa unit ko bago ako natulog.

Kumain pa sila sa labas kaya nauna na akong matulog.

Umaga na nang muli akong magising. It’s around ten thirty am na. Halos lahat sila tulog maliban kay–

Where’s Conrad?

Agad na hinanap ng mata ko si Conrad.

Medyo inaantok pa ako pero mas gusto ko nang bumangon dahil kumakalam na ang sikmura ko.

Papunta na sana ako ng kusina nang marinig ko ang mga kalabog doon.

Amoy na amoy ko ang piniprito mula rito. Tahimik akong pumunta doon at nakita ko si Conrad na nagluluto.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now