VICTORIA’S POV
“Madame, wala kaming nahanap na Conrad dito sa street ng Harvard,” sabi ng taong inutusan ko.
“Iya, sino ba kasi tong Conrad na ito? Ang swerte naman ata niya at ikaw ang naghahanap sa kaniya?” tanong ni Eliz.
Hindi ko siya pinansin. Ilang araw na kasi ang lumipas pero hindi na siya tumawag pa.
Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala sa lalaking iyon. Dahil siguro alam kong naaksidente siya nang dahil sa akin kaya ganito ako mag-alala.
Pumasok ako sa kotse ko bagay na ipinagtaka ni Eliz.
“Iya! Saan ka na naman pupunta? Alam mong gabi at may lakad ka pa bukas?” sabi niya habang nakatingin sa akin.
“Babalik rin ako kaagad. May pupuntahan lang ako,” sabi ko pa.
Bawal na kasi akong umalis mag-isa lalo na gabi dahil baka raw mapahamak ako sabi ni Tita X. Para ko na siyang ate kung umasta.
Hindi ako makakatulog at makakapag-focus sa set nito bukas kung hindi ko nasisigurado na ligtas na nga talaga siya.
Nag-drive ako papuntang McKinley road at tinahak ko ang daan na iyon.
Paliko na ako nang biglaang may mag-pop up. Nagulat ako kung bakit nakita ko ang location ni Conrad.
Agad ko iyong sinundan kahit na medyo may kalayuan sa lugar kung asan ako.
Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating ako sa lugar na sinasabi nila. Maya-maya lang ay may nag-text muli sa akin.
“Billiard Bar?” nakataas ang kilay na sabi ko.
Naghanap ako ng pwedeng ma-park-han ng kotse ko bago ko iyon hinanap.
Ilang saglit lang ay may nakita akong guard kaya naman mabilis akong lumapit sa kaniya.
“Sir? Saan po dito ang Billiard Bar?” tanong ko sa kaniya.
Agad naman niyan ituro ang daan. Mabilis akong pumunta doon.
Naka-disguise ako kaya hindi agad ako makikilala.
Medyo madilim dito kaya naman natatakot ako dahil wala ring tao. Ilang saglit pa nang marating ko ang entrance.
Agad akong pumasok doon. Hinanap ng mata ko si Conrad subalit hindi ko siya nakita.
Where the hell is he?
Dahil sa inis ko ay lumapit ako sa guard at nagtanong.
“Sir, may I ask?” tanong ko sa kaniya.
“Ano po iyon, Ma’am?” tanong niya pa.
“May costumer ba kayo ditong Conrad ang name?” tanong ko sa kaniya kahit na malabong masagot niya iyon dahil sa dami ng Conrad sa mundo.
“Meron, Ma’am. Si Nyel po ba ang hinahanap niyong Conrad?” tanong niya sa akin.
“Nyel” tanong ko sa kaniya habang nagtatakang nakatingin sa kanya.
“Yes, Ma’am. Si Nyel yung regular customer namin dito na Conrad rin ang pangalan,” sabi niya pa habang ako naman at gulong-gulo.
Hindi ko naman kilala ang lalaking iyon kaya naman paano ko malalaman kung siya nga ba yung tinutukoy niya.
“Hindi ko alam, Kuya. But thank you,” sabi ko sa kaniya at muling inilibot ang lugar.
Halos malibot ko na ang lahat nang may mapansin akong isang area na hindi ko pa napupuntahan.
Medyo madilim ang ilaw doon hindi gaya ng iba.
Nang makarating ako ay nakita ko ang isang daan. Mukha iyon Bar dahil sa mga ilaw.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...