VS 25

56 1 0
                                    

VICTORIA’S POV

“Calm down,” sabi ni Eliz sa akin habang inaayusan ako. Kanina pa kasi akong medyo hindi mapakali.

“Mukhang kabado ka ata ngayon, Iya? Baka hindi ka na tumuloy niyan,” sabi pa ni Leane habang natatawang tumingin sa akin.

Tiningnan ko naman siya ng masama bago siya tumawa at nagpatuloy na lang sa pag-aayos.

Wala akong nagawa kundi ang kumalma. Bakit ba kasi wala pa rin yung regalo ko?

Asan na ba kasi yung Conrad na iyon? Baka naman nakipaglandian pa siya kay Cameron?

Mas lalo akong nainis sa naisip ko. Bakit ba kasi ako ganito? Hindi ako mapakali dito.

Maya-maya lang ay biaglang dumating si Conrad. Agad akong napatayo ng wala sa oras.

“At saan ka galing?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya, bagay na ikinagulat naman nilang dalawa.

“Sa labas lang,” sabi niya pa na animo’y nagtataka. Nakatingin sila sa akin na para bang nagtataka.

“What?” tanong ko sa kanila at tinaasan sila ng kilay.

Napa-iling na lang silang dalawa bago pasimpleng ngumiti. Muli akong bumaling ng tingin kay Conrad.

Medyo na-bwesit ako nang makita ang pagngiti ni Conrad.

“At ikaw ano nginingiti-ngiti mo diyan?” tanong ko sa kaniya at nag-cross arm pa.

Umiling rin siya gaya ng dalawa. Ang weird nila. Bumalik na lang ako sa upuan ko dahil ayokong ma-late.

Ayokong makaagaw ako ng atention ng iba doon. Pero kung maaga naman ako ayokong makipag-chikahan sa kanila kaya hindi ko alam kung anong oras ba dapat akong pumunta.

Dahil for sure marami na namang bisita ang pupunta at makikichismis.

Ilang saglit pa nang matapos si Eliz at Leane.

Muli akong tumingin sa salamin.

I look stunning while wearing this grey dress.

Light lang rin ang makeup ko dahil hindi bagay sa akin ang makakapal na make up.

Medyo kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko alam kung ano ang maaring mangyari sa party.

***

Pasimpleng hinawakan ni Conrad ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

“Relax,” sabi niya pa at ngumiti. Palabas na sana siya nang pigilan ko siya.

“Wait!” sabi ko habang nakahawak sa braso niya dahilan para mapatigil siya.

“Five minutes?” tanong ko sa kaniya. Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita.

“Calm down, don’t stress yourself,” sabi niya pa at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kumalma. Nawala lahat ng nararamdaman kong kaba kanina noong hinawakan niya ako.

May lahi ba siyang santo? Bakit bigla na lang akong ganito? Hindi ko rin maintindihan minsan ang sarili ko. Nababaliw na ata ako sa kaniya.

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa labas.

Nandito kami sa parking at walang tao. Muli siyang tumingin sa akin kaya naman napangiti ako ng kaunti bago siya muling lumabas.

Binuksan niya ang pinto ng kotse ko bago ako inalalayan makalabas. Nagulat pa ako nang lumapit siya ng sobra sa akin dahilan para manlaki ang mata ko.

“Conrad!” saway ko sa kaniya nang akmang hahalikan ako.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now