VICTORIA’S POV
I was about to get out into the car when someone’s opened the door of my van.
Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya at nakita ko doon si Conrad na naka-abang sa labas ng van.
Nakataas ang kilay ko sa suot niya dahil naka-long-sleeve siya na white at may neck tie pa. Kaya naman hindi ko mapigilang hindi siya tignan.
“Good Morning, Ma’am,” sabi niya pa habang nakangiti.
“OMG! Ang gwapo niya!” narinig kong bulong ni Leane habang hinihintay akong makalabas.
Hindi naman ako tatanggi sa sinabi niya dahil mas lalo siyang naging disente sa suot niya.
Inirapan ko lang siya habang nakangiti siya sa akin. Nag-flip hair ako bago naglakad papasok ng studio.
Nakakainis talaga siya. Parang inaasar niya pa ako sa mga ngiti niya.
Masaya naman akong sinalubong ng mga staff.
May guesting ako today kaya medyo maaga ako dahil ayoko sa lahat yung nale-late ako sa mga ganitong event.
May kaunting interview lang then the rest puro greetings na.
“Iya!” Napalingon ako nang marinig ko na may tumawag sa akin.
Nakita ko si Sam na papalapit sa akin bago kami nag-beso.
“Good morning, Sis,” bati niya.
Isang matamis na ngiti naman ang binigay ko sa kaniya.
Magsasalita pa sana siya nang mapatingin siya sa likod ko.
“Oh, your new body guard,” nakangiting sambit niya habang hindi maalis ang tingin kay Conrad.
“Yeah,” sabi ko at pekeng ngumiti.
Hindi ako komportable na nandito si Conrad.
Feeling ko anytime mabubunyag ang sikreto namin.
“In fairness, he looks like an actor,” sabi niya pa kaya napatingin ako sa kaniya.
“Really?” hindi makapaniwalang tanong ko pa habang tiningnan si Conrad.
Isang pagngisi naman ang binigay niya sa akin kaya naman inirapan ko siya bago muling tumingin kay Sam.
“So, goodluck for your guesting,” sabi niya bago nagpaalam sa akin.
Ngumiti naman ako bilang pasasalamat bago kami tuluyang pumasok sa loob.
ONE HOUR LATER
“Let’s welcome, our queen of show business, Victoria Green!” sigaw ni Kim na siyang host ng talk show.
“Hi, everyone! Good morning,” nakangiting sambit ko sa harap ng camera bago ako humarap kay Kim.
“Ang taray, ang ganda kahit umagang-umaga! Welcome to Today with Kim,” pambobola niya habang manghang-mangha na nakatingin sa akin.
“Thank you, pero tuwing umaga lang yan,” pabirong sabi ko bago tumawa sa kaniya.
“Pero seryoso, ganyan ka ba talaga? Parang ang unfair ng mundo, parang ang sarap lumipat sa mars!” sabi niya pa habang tumawa.
Natatawa na lang ako sa kanya dahil kahit kailan ang kwela niya kausap.
“So, unang tanong. Kumusta ka?” tanong niya pa habang natawa.
“For now, I’m busy but I think na okay naman ako,” nakangiting sagot ko sa kanya.
“Dahil ikaw ang guest ko ngayon umaga ay maglalaro tayo. Kagabi ay dinumog ako ng mga katanungan galing twitter. Actually, lahat ng itatanong ko sa iyo ay galing sa mga fans mo, so simulan na natin. Dalawa lang ang gagawin mo sa larong ito. Sasagutin mo ang mga katanungan o kakainin mo ang mga pagkain na inihanda namin?” natatawang sabi niya pa habang nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...