VICTORIA’S POV
“Saan ka pupunta?” tanong ni Eliz sa akin nang makita akong papalabas ng kwarto.
“May pupuntahan lang ako,” sambit ko pa bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
Hindi talaga ako mapakali hangga’t hindi ko nakakausap si Conrad!
Hindi pwede ito. Hindi niya ako pwedeng sirain!
Nang makapasok sa kotse ay mabilis akong nag-drive palayo.
Kailangan ko siyang makita at makausap.
Dahil sa tulong ng taong inutusan ko ay natunton ko ang kinaroroonan ni Conrad.
Nasa isang hotel raw ito ngayon for sure dito siya natuloy ngayon. Mabilis akong nag-disguise at pumasok sa hotel.
Dumiretso ako sa may receptionist at binati naman niya ako.
“I will surprise my friend in room 201,” sabi ko pa sa kaniya.
Ibinaba ko na rin ang sungglasses ko para naman makita niya ako.
“Sorry, Ma’am kailangan ko po munang itawag sa taong naka-check in sa mismong room na iyon,” sabi niya pa kaya naman mabilis akong umalma.
“No, I will surprise him. So paano pa magiging surprise kung sasabihin mo?” tanong ko sa kaniya.
“Sorry, Ma’am. Kailangan po talagang malaman niya,” sabi pa ng babae.
Kaya naman no choice kung hindi ang hintayin ang sagot ni Conrad.
Naghintay ako dito hanggang sa tumingin ang babae sa akin.
“Ma’am pababa na po si Sir,” sabi pa niya kaya naman umikot na lang ang mata ko bago ko ibinaba ng sungglasses ko.
Naghintay ako ng ilang minuto at ilang saglit pa ay may humila sa akin papuntang parking lot.
“What are you doing here?” tanong ni Confrad at animoy natingin pa sa paligid.
“I want to talk to you,” sabi ko pa at ngumiti.
“Ibang klase ka! Talagang gagawin mo ang lahat para sa pangalan mo,” sabi pa niya.
Ngumiti naman ako at bahagyang inayos ang polo niya.
“Come on, Conrad. Masyado ka atang hot? Just chill!” natatawang sabi ko pa at tiningnan siya ng malagkit.
“Stop it, Victoria. Anong kailangan mo?” tanong niya sa akin ng seryoso.
Ngumiti naman ako bago hinaplos ang dibdib niya.
“I want you to back, Conrad. Be my bodyguard again. I felt in danger right now,” sabi ko pa at umarteng kinakabahan pero seryoso lang siyang nakatingin.
“I already quit,” sabi niya pa.
“How about me? Hindi ka ba nag-aalala na baka may mangyaring masama sa akin?” tanong ko pa sa kaniya.
“Find a new bodyguard,” casual na sagot niya sa akin.
“No, I want you! I want you, Conrad! Please, come back to me!” sabi ko pa at niyakap siya bago hinawakan ang mukha niya at hinalikan iyon subalit mabilis niya akong itinulak palayo.
“Stop it., Victoria!” natatarantang sabi niya at lumingon sa paligid.
“I don’t care kung may makakita sa atin! I just want you, Conrad. Please,” sabi ko pa. I fucking miss him!
“Hindi ba nag-usap na tayo? Just stop your illusion, Victoria,” seryosong sagot niya sa akin. Kaya naman masama ko siyang tiningnan.
“Bakit? Dahil ba kay Samantha? Ano? Nililigawan mo na siya? Nilalandi mo siya?” tanong ko habang masamang nakatingin sa kaniya.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...