VICTORIA’S POV
Nakataas ang kilay ko habang nakatingin kay Eliz na kararating lang.
Hindi ko kasi alam kung ano itong sinasabi ni Sam akin na nag-hire raw ako ng bagong body guard.
“Ikaw nga, ano ba itong sinasabi ni Sam? Anong hiring?” sabi ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
“Yeah, kaya nga kami nandito. Nasa labas si Tita X hinihintay ang bago mong body guard,” nakangiting sambit niya pa.
“Wait what? Bakit hindi ko alam?” nakataas pa rin ang kilay na tanong ko.
“Itanong mo na lang kay Tita X. Dahil wala rin akong alam diyan,” sabi nya pa.
Ilang saglit lang ay may nag-door bell kaya naman mabilis na binuksan ni Eliz iyon.
Tumambad sa amin si Leane na kasama si Tita Xandra.
“Victoria,” pagtawag niya sa akin kaya naman agad akong tumingin ng diretso sa kaniya.
“Alam kong alam mo na kaya hindi ko na sasabihin sa iyo ang tungkol doon,” sabi niya kaya naman mas lalong napataas ang kilay ko.
“What comes on your mind at nag-hire ka ng bodyguard ko?” tanong ko sa kaniya.
“Iya, calm down. Dahil sa nangyari, mas kailangan mo ngayon ng body guard. Mahirap na at baka maulit ang nangyari noong nakaraang linggo,” mahabang paliwanag niya.
“Actually, he’s here,” dugtong niya bagay na nagpalaki ng mata ko.
“What? Are you insane? Bakit mo agad siya in-hire?” gulat na tanong ko pa sa kaniya.
“This is urgent. You mom want to protect you,” sabi niya pa kaya naman napatingin ako sa kaniya.
“What did you say?” seryosong tanong ko sa kaniya.
“Iya, let me explain. Walang masama doon at tama ang Mommy mo,” sabi niya kaya naman natawa ako ng peke sa kaniya.
“Wait, what? So si Mom ang may pakana nito?” natatawang tanong ko. Hindi sumagot si Tita X.
Magsasalita pa sana ako nang may dumating bigla na isang lalaki.
“Miss Xandra, andito na po yung bagong body guard ni Miss Victoria,” sabi niya pa habang sumenyas pa sa labas.
“Bakit kayo nagdedesisyon ng hindi ko alam?” inis na tanong ko sa kaniya.
“This is order from your Mom. Alam mong hindi ko siya matatanggihan dahil tama rin siya,” sabi niya pa kaya naman napa-iling ako.
“I can’t believe this. Ibang klase!” sigaw ko pa.
Magsasalita pa sana ako nang may magsalita mula sa labas. Masama ko siyang tiningnan dahil ayoko sa lahat ang pinuputol ang sasabihin ko.
“Good Morning, Ma’am,” sabi niya habang nakangiti pa.
Nanlaki ang mata ko nang makita iyon. Nakasuot siya ng white T-shirt habang naka black pants siya at black shoes.
Hindi agad ako nakapagssalita pa dahil bigla siyang tumingin sa akin.
“Okay, Victoria.There he is,” sabi pa ni Tita X.
Habang ako hindi maalis ang pagkagulat ko sa kaniya. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Anong ginagawa niya dito?
“Hi, Ma’am Victoria. Niel po ang pangalan ko,” sabi niya pa kaya naman mas lalo akong naguluhan.
“He looks familiar,” sabi ni Eliz habang nakatingin sa kaniya bagay na sobrang ikinakaba ko.
Ano ba kasi ang ginagawa niya dito?
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...