AVIANNA’S POV
Isang masigabong palakpakan ang nagpa-ingay sa buong venue.
Nasa stage kasi si Kuya Conrad habang may dalawang flowers at ibinigay iyon kay Ate.
Nasa ganoon kaming kasiyahan nang mapalingon ako sa kanang bahagi ng venue.
Nakita ko doon si Ate Iya na seryosong nakatingin sa stage.
Hindi ko alam kung bakit feeling ko ay malungkot siya.
Makikita mo sa mata niya ang lungkot. Hindi rin iyon nagtagal dahil mabilis siyang umalis sa pwesto niya.
“Excuse me,” paalam ko kay Mom at mabilis na tumayo at naglakad palabas.
Nakarating ako sa labas subalit tanging kotseng papaalis na lamang ang naabutan ko.
Kotse iyon ni ate Iya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang umalis.
Pero malakas ang kutob ko na patungkol iyon kina Ate.
Papasok na sana ako nang masalubong ko si Riley.
Nagulat rin siya nang makita ako.
“Ri,” sambit ko.
Tanging malalim na paghinga lang ang nagawa niya nang mapatingin sa kalsada.
“She left,” sagot ko pa.
Napatango naman siya. I know him. I know that he was so worried about her sister.
Even though they are half-siblings, he cares about her. Riley is the protective and sweet guy that I know.
Kaya hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw sa kaniya si Talia.
“Let’s go,” pag-aya niya kaya napatango na lang ako at pumasok sa loob.
Hindi pa man kami nakakapasok nang biglang bumungad sa amin si Talia na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin.
“Why are you with my Boyfriend?” mataray na tanong niya sa akin kaya naman bahagyaa akong napatingin kay Riley.
“Talia–”
“Sinasabi ko na nga ba! Mang-aagaw ka!” sigaw niya at mabilis akong sinugod.
Agad niyang hinawakan ang buhok ko kaya mabilis ko ring hinawakan ang buhok niya.
Mabuti na lamang at napigilan kami ni Riley.
“Walang hiya ka! Mang-aagaw ka talaga kahit kailan, Avianna!” sigaw niya pa habang hawak siya ni Riley.
“Wala akong ginagawa, Talia. Nagkasalubong lang kami ni Riley,” sabi ko naman sa kaniya.
Masyado talaga siyang malisosya. Lahat ng bagay binibigyan niya ng malisya.
“At akala mo maniniwala ako sa sinasabi mo? Alam ko namang may gusto ka sa boyfriend ko!” sigaw niya pa.
“Talia, stop. She’s right. Nagkasalubong lang kami. She is my bestfriend,” sabi pa ni Riley at napatingin pa sa akin nang sabihin ang salitang bestfriend.
Nasaktan ako sa sinabi niyang bestfriend. Bakit ba ganito? Totoo naman, we are just bestfriend.
“Why you didn’t trust me? I’m telling the truth! She’s in love with you!” sigaw pa niya habang masamang nakatingin sa akin.
“Talia, I told you na mag-bestfriend kami ni Ri,” sabi ko pa sa kaniya.
Nakita ko namang tinarayan niya ako pero hindi ko na iyon pinansin pa.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...