VICTORIA’S POV
“Iya, look!"
Prente akong nakaupo sa may pool nang biglang lumapit si Eliz sa akin at inaabot ang kaniyang cellphone.
Nakita ko sa isang video si Ashton.
“May relasyon si Victoria Green at ang kanyang bodyguard!” sigaw niya habang hawak siya ng mga police.
Bigla akong napatayo dahil sa sinabi niya. Maya-maya pa ay dumating si Conrad at mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit siya nagmamadali.
“Are you okay?” tanong niya kaya naman tumingin lang ako sa kaniya at hindi nagsalita.
“I was scared,” sabi ko habang paunti-unting kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
Maraming mga comments ang nabasa ko kaya naman napapikit na lang ako.
Kailangan kong mag isip ng paraan kung paano ko malulusutan ito.
Maya-maya lang dumating ang isang katulong dala-dala ang telephone.
“Madam, si Miss Xandra po,” sabi niya at inabot ang cellphone sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
“Tita X,” sabi ko pa sa kabilang linya.
“What is wrong with this guy, Victoria? I need to set a conference. Kailangan mong malinis ang pangalan mo,” sabi niya.
“Yes, I will,” sabi ko pa bago ko ibinigay kay Eliz ang telephone.
“Anong plano mo?” tanong pa ni Eliz. Tahimik lang si Conrad na nakatingin sa akin.
“I don’t know,” kinakabahan sambit ko.
Bwesit talaga ang lalaking iyon! Hindi niya talaga ako tatantanan hanggang hindi ako nasisira!
Humanda ka Ashton.
Sisguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan bago mo ako masira.
“Calm down, kailangan mong humarap sa press para maayos ito,” sabi ni Conrad sa akin.
Tumango na lang ako bago siya umalis.
***
“Good morning, Miss Victoria. Totoo ba ang mga sinabi ni Ashton Villa na may relasyon kayo ng bodyguard mo?” tanong ng isang reporter na may hawak na mic.
“Of course not. He was doing it para sirain ako. I know him, kaya siya gumagawa ng mga isyu para masira ako sa tao,” sabi ko pa.
“Bakit niya kaya ginawa iyon?” tanong pa ng isa.
“Dahil ni-reject ko siya ilang beses na. Pero hindi ko inaasahan na aabot sa harassment ang lahat,” sabi ko pa at umarte na maiiyak.
“OMG! So, nanliligaw siya pero hindi mo siya sinagot?” tanong ng isang reporter.
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
“Unfortunately, hindi pa ako handa sa ganoong sitwasyon,” sabi ko sa kanila.
Narinig ko naman ang mga bulungan nila na mas napangiti sa akin.
Ngayon ang tingin nila kay Ashton ay masama.
“Pero paano mo maipapaliwanag ito?” tanong ng isang reporter at ibinigay ang isang papel sa akin na may laman na litrato.
Natigilan ako dahil iyon ang picture namin ni Conrad na sweet.
Huminga ako ng malalim.
Kailangan ko itong malagpasan.
Bakit ba kasi may ganitong tanong pa?
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...