VICTORIA'S POV
“How are you, Hija?” tanong niya sa akin. Kaya naman napatingin ako sa kaniya bago nagsalita.
“I’m good,” maiksing sagot ko.
Hindi ko napansin na kasama pala nila si Tito Raven na nasa tabi ni Riley.
“You look so gorgeous,” nakangiting sambit niya pa habang nakatingin sa akin.
“Thanks,” maiksing sambit ko bago umiwas ng tingin.
Hinanap ng mata ko si Conrad. Hindi pa siya bumalik mula nang magbanyo siya.
“May kasama ka ba? You can join,” sabi niya kaya naman agad akong bumaling ng tingin sa kaniya.
“No thanks, I can handle myself alone,” sabi ko pa sa kaniya.
“Ate!” saway ni Riley sa akin kaya binalingan ko siya ng tingin. Nakita kong pinigilan siya ni Mom.
“Yes?” mataray na tanong ko sa kaniya.
“That’s enough,” sabi niya pa kaya naman napangiti ako bago tumayo.
Alam kong na-alerto si Mom sa ginawa ko.
“You don’t have a right to stop me because you don’t know everything! You don’t even know what my experience was when you came,” sabi ko habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.
Galit ako dahil muli kong naalala ang lahat.
Sa aming lahat, ako ang mas nasaktan dahil wala ni isa sa mga magulang ko ang umako ng reesponsilidad.
Parehas lang nila akong sinaktan at inabandona noong nagkaroon sila ng sarili nilang mga pamilya.
“Victoria, Hija, please,” sabi ni Mom.
Tumingin pa ako sa kaniya ng diretso. Hindi ako ngumiti para malaman niya yung hinanakit ko kung bakit ako ganito.
“You made me like this. So, don’t assume na matatanggap ko ang lahat. Please pretend that we don’t know each other. Dahil matagal na kayong patay sa akin,” sabi ko pa bago ako lumakad paalis.
“Victoria!” mahinang sambit ni Mom pero hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa labas.
Mabuti na lang at walang tao dito kaya naman umupo ako sa kanto ng venue. Doon ako umiyak.
Nakakainis dahil hanggang ngayon ako yung lugi dahil sa ginawa nila kaya ako naging ganito.
Umiyak lang ako nang umiyak nang mapansin kong may nag-abot sa akin ng panyo.
“I think you need it,” sabi ni Adrian na nakatingin pa sa akin.
Napatingin naman ako sa panyo na inabot niya bago iyon dahan-dahang pinunas sa mukha ko.
“Thank you,” sambit ko bago mapait na ngumiti.
Nagulat pa ako nang punasan niya ang pisngi ko gamit ang kamay niya.
“I saw you with your mom. Masakit talaga pero kailangan mo ring tanggapin ang mga nangyayari para gumaan at mabawasan ang dinadala mo,” sabi pa niya habang nakatingin sa akin.
Hindi ako kumibo at nanatiling tahimik na nakatingin sa ibaba.
Ilang minuto kaming nag-kwentuhan at pumasok sa loob.
Muli kong hinanap si Conrad kaya naman nagtanong na ako sa mga kakilala ko kung nakita ba nila ang body guard kong gala.
“Yes, parang nakita ko siya doon sa upstair kasama si Miss Cameron,” sabi pa ng isang staff kaya naman mabilis akong nagpasalamat sa kaniya at pumunta sa tinuturo niya.
Ano na anman bang kailangan ng Cameron na iyon sa body guard ko?
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...