VS 15

63 1 0
                                    

VICTORIA'S POV

Papasok na ako ng van nang biglang may tumawag ng name ko. Agad naman akong napalingon kung sino iyon. Nakita ko si Elison na papalapit habang nakangiti sa akin.

"Eli," nakangiting sambit ko sa kaniya.

"Congratulations, Iya! Nabalitaan ko na ang taas ng ratings ng Today with Kim dahil sa iyo," sabi niya pa kaya naman napangiti ako.

"Ah, thank you," sambit ko pa kahit na nag totoo ay alam ko at expected ko na magiging mataas talaga ang ratings nila dahil sa akin. 

"By the way, pupunta ka ba sa birthday ni Tita Chantal? Sam invited me," sambit niya pa. Ngumiti naman ako bago tumango.

"Yes, vacant ko yon," sabi ko pa sa kaniya.

"Oh, see you there," nakangiting sabi niya bago siya nagpaalam. Ang pagkakaalam ko may shoot siya today, kaya naman nakaporma siya. 

Papasok na sana ako nang makita ko si Conrad na seryoso lang at hindi ako tinitignan. Napataas ang kilay ko sa kaniya pero hindi ko na lang pinansin dahil andito sila Eliz.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Elison!" kinikilig na sambit ni Leane habang nakatingin sa papalayong si Elison.

"Bakit ba kasi nalowbat yung phone ko. Hindi tuloy ako nakapagpa-picture sa kaniya," malungkot pang dagdag niya.

"Ah basta ako kay Papa Adi! Ang gwapo at ang hot niya pa!" kinikilig pang sigaw ni Eliz.

"Mas hot si Eli no. May six pack abs siya! Tapos half-spanish pa!" pagkontra ni Leane sa sinabi ni eliz. Napataas na lang ang kilay ko sa mga sinasabi nila.

"Bakit si Papa Adi? Half-biritish siya! May abs rin siya at daks pa!" sigaw ni Eliz. Kaya naman napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras.

"Seriously?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"Calm down, Iya. Masyado ka namang sensitive, pero hindi ba daks talaga si Papa Adi?" tanong niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Aba malay ko! Bakit ba ako ang tinatanong mo niyan? Nakita ko na ba yung kaniya?" mataray na tanong ko pa sa kaniya.

"Wala feel ko lang rin," dagdag niya kaya mas tumaas ang kilay kong tumingin muli sa kaniya.

"What the heck, Eliz! Cut that topic!" sigaw ko sa kaniya. Natawa lang silang dalawa ni Leane habang si Tita X naman seryoso lamg na nakatingin sa daan. 

Nasa tabi siya ng driver, habang ako nasa pangalawang row ng Van katabi si Conrad. Agad akong napatingin sa kaniya nang makita ko g seryoso lamg siyang nakatingin sa labas.

Naong problema niya? Kanina pa siya walang kibo matapos ang guesting ko. Hindi ko na siya muling narinig na nagsalita after non.

Fast Forward

"Where are you going?" nakataas ang kilay na tanong ko kay Conrad nang akmang lalabas siya ng unit ko.

"Sa labas na ako matutulog," sabi niya pa habang hindi ako nililingon bago siya tuluyang lumakad palabas. Agad ko naman siyang pinigilan at nagsalita.

"But why?" tanong ko pa habang nagtatakang tumingin sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago lumingon sa akin. Gulo-gulo ang buhok niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

"Anong bakit?" nagtatakang tanong niya rin.

"Bakit sa labas ka pa matutulog? Delikado doon," sambit ko pa bago siya binitawan nang ma-realize ko na hawak ko pa rin pala siya.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now