VICTORIA’S POV
At Samantha’s Birthday Party
“Iyah, are you okay?” tanong niya sa akin. Taas-noo naman akong tumingin sa kaniya.
“Of course! Why shouldn’t I?” tanong ko sa kaniya.
“Wait, what are you planning?” tanong niya pabalik sa akin bagay na ikinataas ng kilay ko.
“Naka-shabu ka ba, Eliz?” tanong ko sa kaniya dahil para siyang timang sa tanong niya.
Tiningnan niya pa ako na tila naninigurado.
“Stop staring at me like that, Elizabeth! Hindi ako natutuwa,” mataray na sabi ko pa sa kaniya.
“Kasi baka may binabalak kang hindi maganda–”
“Anong palagay mo sa akin? Party Crasher?” tanong ko at muling tinarayan siya.
“Good Evening, Miss Victoria!” bati ng isang staff kaya naman mabilis kaming napalingon ni Eliz.
“Miss pwede po bang magpa-picture?” tanong niya pa.
Tatarayan ko sana siya nang biglang ngumiti si Eliz.
I have no choice kung hindi pumayag na kahit ayokong gawin.
I need to do this para na rin sa career ko.
Nang matapos kami ay pumasok na kami ni Eliz at gaya ng inaasahan ko ay binati kami ng mga staff doon.
Isang matamis na ngiti lang ang binigay ko bago kami in-assist ng isang staff.
Hindi pa man kami nakakaupo nang lumapit sa amin si Tita Chantal.
“Hija! Kanina pa kina hinihintay mabuti at dumating ka,” nakangiting sambit ni Tita Chantal kaya naman ngumiti lang ako sa kaniya.
“It’s her birthday, hindi pwedeng mawala ako,” nakangiting sagot ko naman kahit na ang totoo ay kinakabaahan ako.
First time kong kabahan ng ganito. Lumingon ako sa paligid subalit hindi ko nakita si Mom.
Tila naman naintindihan ni Tita Chantal ang nasa isip ko.
“Male-late raw siya. But Riley and Margaux is already here,” nakangiting sambit ko naman.
Ngumiti na lang ako at hindi na kumibo pa.
Gusto ko sanang itanong kung ayos lang siya dahil sa nangyari doon sa labas ng bahay ni Dad.
Sa ginawa sa kaniya ng bagong asawa ni Dad.
“Hija, she was so happy noong nakita ka niya. Kung paano mo siya ipinagtanggol. She was so mad sa ginawa ng Dad mo sa iyo sa restaurant. And guess what? She did not hesitate to came over there para harapin ang asungot na babaeng iyon,” sabi pa ni tita na hanggang ngayon ay naiinis pa rin.
Napangiti naman ako. Kahit kailan ang supportive niya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako napangiti.
Walang iba kung hindi si Mom.
Kahit na anong pagtataboy na ginawa ko sa kaniya noon, kahit na may bago na siyang pamilya, hindi niya pa rin ako nakalimutan.
Lalo na at hindi siya nagdalawang isip na ipagtanggol ako sa kahit na sinuman.
“Thank you, Hija. Dahil you give her a chance. You opened your mind to know the truth,” nakangiting sambit niya sa akin.
Ngumiti naman ako bago nagsalita.
“She is still my Mom, and she deserved to give her a chance,” sagot ko naman sa kaniya.
Natapos ang pag-uusap namin nang magsimulang magsalita ang emcee na nasa stage.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...