VICTORIA’S POV
Napangiti ako nang mapatingin muli sa salamin na nasa harapan ko. Nakasuot ako ng silver grey backless dress.
Dahil grey raw ang theme color kaya ito na lang ang napili ko.
Mabuti na lang at mabilis na nai-deliver ito kahapon. Ayoko pa man din magsuot ng cheap at lumang damit.
Kaya nga nagkaroon ako ng walk in closet dahil sa sobrang dami ng damit ko.
“Perfect na yan, Iya! Kahit siguro pagsuotin ka ng pipitchuging damit ay magmumukhang gold,” sabi ni Eliz na nakangiting nakatingin sa dress na suot ko.
“Aba dapat lang! Ayoko nang nagmumukha akong decoration sa party mamaya,” sambit ko pa sa kaniya.
“Nga pala, for sure aa-ttend sila Tita Val,” sabi niya paa. Expected ko na iyon dahil kaibigan ni Mom si Tita Chantal.
“Hindi naman siya mawawala kasama ang mga anak niya,” sabi ko pa habang nag-focus sa pagsusukat.
“In fairness ang gwapo rin ng kapatid mong iyon. Lalo siyang nagiging yummy,” sabi ni Leane kaya naman napatingin ako sa kaniya.
“Loka! Ang bata-bata noon!” sigaw naman ni Eliz.
“Bente uno na ata yon. Anong bata doon?” tanong pa ni Leane kaya naman mas lalong napataas ang kilay ko.
"Kumpara sa edad mo,” sabi ko pa kaya agad siyang umangal.
“Hoy bente-syete pa lang ako!” sigaw niya pa. Hindi ko na siya pinansin pa. Maya-maya ay nagsimula na silang ayusan ako.
Ilang minuto iyon nagtagal dahil light lang naman ang kailangan kong makeup magmukha lang siyang natural sa camera.
Dahil bukod sa mga tao ay camera ang panglawang kalaban ko. Kahit na stolen shot ay kailangang maganda ako.
Ang sabi nila susunod na lang raw si Conrad sa labas kaya naman hindi ko na siya hinanap pa.
Ano kayang susuotin ng lalaking iyon? Susuotin niya kaya yung binigay ni Cameron o yung binigay ko?
Makikita ko kung ano doon. Kahit alam kong puro branded ang mga gamit na suot niya ay dapat makita kong suot niya yung binigay ko.
Mabilis na lumipas ang oras sa labas pa lang ay kita ko na si Conrad na naghihintay sa tapat ng kotse ko.
Hindi ko alam pero palihim akong napangiti ng makita ang suot niya.
Naka grey na blazer siya at polo sa loob. Hindi naman ito gaanong formal kaya perfect ang suot niya.
Ako lang ba o sadyang mas lalong lumakas ang appeal niya sa suot niya? Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.
Napangiti siya sa akin bago binuksan ang kotse ko. Kaming dalawa lang ang a-attend dahil may pictorial pa si Kath. Ang bagong alaga ni Tita X.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse ko at pumasok naman ako. Siya ang mag-drive kaya hindi ko na kailangang ma-stress pa.
“You look so grogeous, Baby girl,” sabi niya pa habang seryosong nakatingin sa akin.
“Of course! Im the one Victoria Green,” mayamabang na sabi ko pero hindi pa rin niya inalis ang tingin niya sa akin.
Feel ko matutunaw ako sa mga tingin niya kaya naman umiwas na ako.
“Bilisan mo na nga. Ayokong nale-late ako,” sabi ko pa at tumingin sa labas. Natawa naman siya bago nagsimulang mag-drive.
Fast Forward
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...