AVIANNA'S POV
Naglalakad ako papasok ng school nang makita ko si Riley.
Agad naman akong napangiti at akmang lalapitan siya subalit nagulat ako nang makita si Talia na mabilis siyang niyakap kaya naman hindi ko na angawang lumapit pa.
Nanatili ako sa kinaroroonan ko habang pinapanood sila.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Dapat kasi nagtapat ka na kay Riley, edi sana ikaw ngayon ang nasa posisyon ni Talia." Mabilis akong napalingon sa nagsalita at nakita ko naman si Ash na naka-cross arm.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ko sa kaniya.
"Yap! Kanina pa kita pinagmamasdan kung ano ang gagawin mo," dagdag pa niya.
"Halika na nga. Baka ma-late pa tayo sa practice. Kung anu-ano na ang sinasabi mo diyan," sabi ko pa sa kaniya bago ako lumakad pero mabilis siyang sumunod.
"Ano ba kasing problema mo, Avi? Bakit ayaw mo pa ring aminin sa kaniya? Halata naman na may gusto ka sa bestfriend mo," sbai niya kaya naman tumigil ako.
"Ash, tumigil ka na. Baka may makarinig sa iyo at kung ano pa ang sabihin," sabi ko at tumingin sa paligid.
"Umamin ka na kaysa masaktan ka lang," sabi niyang muli sa akin.
Napa-iling na lang ako bago lumakad muli.
Nagsimula kaming mag-practice at habang nasa pila kami ay mabilis na pumingot sa ilong ko dahilan para mapalingon ako.
Nakita ko naman si Riley habang natawa.
Masama ko siyang tiningnan at mabilis na ginulo ang buhok niya.
Bago ako dumila at naglakad.
"Ang sweet niyo para kayong mag-jowa," natatawang asar naman ni Ash sa akin.
Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin subalit natawa pa rin siya.
Natapos ang buong practice.
Pauwi na sana ako nang may humila sa kamay ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita muli si Riley.
"Masyado kang seryoso!" natatawang sabi pa niya kaya naman mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Loko ka talaga!" sigaw ko pa sa kaniya bago ako lumakad palayo.
Pero mabilis niya akong hinawakan sa kamay kaya napatigil ako.
"Seryoso na. I need your help," sabi niya bagay na ipinagtaka ko.
Minsan lang kasi siya manghingi ng tulong kaya nakakapagtaka an hihingi siya sa akin ng tulong.
Madalas kasi ako yung humihingi sa kaniya ng pabor.
"Ano iyon?" nagtatakang tanong ko.
Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin.
"I want to surprise her, can you help me with that?" tanong niya sa akin bago nagpa-cute.
Natigilan ako sa sinabi niya. Gusto niyang tulungan ko siyang i-surprise si Natalia?
Tama ba ang pagkakarinig ko?
"Please?" tanong niyang muli bago nagpa-cute sa akin.
"Wait, bakit sa akin? Alam mo namang wala ako-"
"Babae ka kaya alam kong may alam ka sa ganito," sabi niya.
"Yes, pero, Ry. Hindi kami pareho ni Talia. Alam mong simple lang ang gusto ko, baka hindi rin niya magustuhan," sabi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...