AVIANNA’S POV
Nag-scroll ako sa shareme nang madaanan ko ang post ni Ate Iya.
Agad ko iyong ini-heart pero nakakapagtaka lang.
Siya lang ba mag-isa pero sa bawat picture niya ay may nagpi-picture sa kaniya.
Muli kong ini-scroll pa ang timeline niya.
Nakita ko doon na may picture rin siya sa dining area.
Imposible naman sigurong may kasama siya sa hotel?
At ganito karami ang niluto niya sa pagkakaalam ko hindi siya sanay magluto.
“Ry, sigurado ka bang mag-isa lang si Ate Iya na umalis?” tanong ko kay Riley na kararating lang.
Nandito kasi kami ngayon sa Baguio. After christmas nagka-ayaan sila kaya ito. Magkakasama kaming nandito.
“Yes, iyon ang sabi ng Manager niya. Hinatid pa nga raw siya nila Ate Elizabeth, why?” tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako at umiling.
Kung ganoon bakit parang may kasama siya? Hindi ko na lang iyon pinansin pa, sumunod na picture na nakita ko ay picture ni Ate Sam habang may hawak na bulaklak.
For sure kay Kuya Niel galing iyon. Bagay nga sila ni Kuya Niel. Napangiti na lang ako habang kinikilig sa kanila.
Hindi ko alam kung nililigawan na ba ni Kuya si Ate Sam.
Pero sure akong nag-date na sila privately.
Madalas na rin siyang napunta sa bahay at binibisita si Ate Sam.
Noong mga araw na wala si Ate Victoria, parang naging body guard ni Ate si Kuya Niel.
“Ang tahimik mo ata ngayon?” tanong ni Ry sa akin.
Agad ko namang tinago ang cellphone ko bago humarap sa kaniya.
“Sabi ni Mom, maghanda na raw,” sabi niya sa akin.
Tumango na lang ako bago ako pumasok sa loob. Dahil ayaw ni Natalia na magkasama kami sa room ay si Margaux na ang naging kasama ko.
Mamaya pa raw pupunta si Ate Sam at Kuya dahil amy photoshoot si Ate Sam ngayon.
“Mom, I’m ready,” sabi ko sa kaniya.
Papunta na kasi kami sa La Trinidad para bumisita sa Strawberry Farm.
Gusto niya makapag-relax. Ilang minuto lang nang umalis na kami.
“Mom, how about Ate Sam?” tanong ko kay Mom.
“Susunod na lang sila sa Farm with Pako. For sure, mag-eenjoy silang dalawa,” sabi pa niya bago tumawa.
“Sigurado iyan,” dagdag pa ni Tita Val habang tahimik naman si Tita Gayle.
***
“Talia, Baby. Hindi ganiyan. Gayahin mo si Avi. Ganoon ang tamang pagpitas,” sabi ni Tita Gayle sa kaniya.
Napatingin ako kay Talia na hirap na hirap habang nandidiri sa lupa na nasa kamay niya.
Natawa na lang ako, hindi siya sanay sa ganito.
“Stop laughing at me, Avianna!” sigaw niya at maaarteng kumuha ng tissue sa bag niya.
Nakakailang tissue na siya mula kanina. Napailing na lang ako.
Alam ko namang ayaw niya talaga dito pero dahil nandito si Ry ay wala siyang choice para sumama rin.
“Pwede ka namang umupo sa cottage kung ayaw mong makaharak ng lupa,” sabi ko at ngumiti.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...