VS 29

57 1 0
                                    

Talia’s POV

Nakahiga ako dahil katatapos ko lang gumawa ng mga assignments.

Nakakakapagod dahil sa totoo lang hindi talaga ako gumagawa nito.

Pero dahil ayoko rin namang ma-turn off si Riley sa akin kaya ito, nagsisipag na ako.

Busy ako mag-scroll sa shareme nang makita ang photo ni Ate Victoria.

Sa tuwing maiisip kong may relasyon sila ng kuya ko ay naiinis ako dahil paano ko makukuha si Riley kung sila ang magkakatuluyan?

Maya-maya pa ay may biglang kumatok kaya naman natigilan ako.

Agad rin namang pumasok si Mom sa loob.

“Hindi ka ba sasama?” tanong niya dahilan para tingnan ko siya ng nangtataka.

Mukhang alam ko na kung saan kami pupunta at sorry dahil wala akong balak na pumunta sa bahay nila Avianna.

“Nope, I-m tired, Mom–”

“Kahit sabihin kong sa bahay pa nila Riley?” tanong niya na agad akong natigilan.

“What?” ulit na tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman si Mom sa akin.

“Alam kong may gusto ka sa kaniya, hindi ba?” tanong pa ni Mom kaya naman bigla akong napayuko.

Nakakahiya pala na marinig kapag galing mismo sa Mom mo.

“It’s normal, kaya magbihis ka na dahil pupunta tayo sa bahay nila Tita Val mo, doon na tayo mag-dinner,” sabi niya pa at hinawakan pa ang buhok ko bago siya lumabas.

Hindi ko alam pero bigla akong na-excite. Biglang nawala ang pagod ko nang marinig na kina Riley pala kami pupunta at hindi kina Avianna.

Mabilis akong naligo at nag-ayos. Nag-make up ako since wala naman si Dad at mamaya pa iyon uuwi.

After kong mag-ayos ay bumaba na ako at nandon na si Mom hinihintay ako.

“Pupunta ba si Kuya?” tanong ko kay Mom.

“Hindi siya makakapunta dahil busy. Hindi ko alam kung anong pinagkaka-busy-han niya,” sabi ni Mom.

“For sure, yung jowa niyang si Victoria Green,” sabi ko na ikinatigil ni Mom.

“What?” nagtatakang tanong niya kaya naman natawa ako dahil wala nga palang alam si Mom.

“Yes, Mom. You heard it right. Si Ate Victoria nga. Yung anak ni Tita Valeria,” sabi ko pa at ngumiti.

“Girlfriend ng kuya mo si Victoria?” ulit ni Mom habang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

“Yeah, ilang beses ko na sila nahuling magkasama,” dagdag ko pa.

Nakita kong bahagyang napangiti si Mom kaya ako naman ang nagtaka sa kaniya.

“Mom? Why?” tanong ko naman dahil naguguluhan ako. May alam ba siya?

“Halika na nga at baka hinihintay na nila tayo,” sabi ni Mom bago siya lumabas ng bahay.

Hindi ko alam pero nakakapagtaka lang at hindi man lang siya nagulat.

Hindi kaya alam niyang mag-jowa ang dalawang iyon? Hindi pwede iyon! Kailangang maunahan ko sila!

THIRD PERSON’S POV

Papasok ng billiard bar si Conrad nang salubungin siya ng mga kaibigan. Isang seryosong tingin lang ang binigay niya bago ito umupo.

“Hoy, Nyel! Mukhang sineseryoso mo talaga aang pagiging bodyguard ni Victoria, ha?” kantyaw sa kaniya ng kaibigang si Nico.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now