VICTORIA’S POV
“Iyah, dahan-dahan–” Agad na natigilan si Eliz nang bigla kong ipinutok ang baril na hawak ko.
Ito lang kasi ang naiisp kong paraan para mawala ang inis ko.
Pinaputukan kong muli ang target bago iyon tumumba.
“Pwede ba, Eliz? Stop following me,” sabi ko bago ako pumasok ng kotse.
Ayoko kasi ng kasama ngayon. I want to be alone.
Habang nag-drive, napansin ko ang isang pamilyar na kotse.
Mas lalo akong nagtaka nang makita ang plate number noon. Kotse iyon ni Mom.
Anong ginagawa niya dito sa lugar na ito?
Dahil sa curiosity ay sinundan ko siya. Ngayon ko lang na-realize na dito ang bahay nila Jade nang bigla siyang huminto sa harap ng isang bahay.
Hindi ako lumabas at pinanood ko kung ano ang gagawin niya.
Lumabas sa kabilang pinto si Tita Chantal at animo’y pinipigilan siya.
Anong nangyayari? Nakita kong lumabas ang maid at mabilis rin iyong pumasok.
Pinipigilan pa rin siya ni Tita Chantal.
Kaya naghintay na lamang ako sa susunoid na mangyayari.
Nakita kong lumabas ng gate si Gina Cruz, ang Mom ni Jade.
Mabilis akong lumabas nang makita kong nag-aaway sila ni Mom. Nang makalapit ako ay narinig ko si Mom.
“How dare you hurt my daughter, Victor!” sigaw ni Mom sa kalalabas lang na si Dad.
“Anong ginagawa mo dito, Valerie?” nagtataka namang tanong niya kay Mom.
“Your ex-wife making scandal here,” sambit naman ni Gina na nasa gate rin habang mataray na nakatingin kay Mom.
“Talagang kakampihan mo ang anak mo sa labas kaysa sa sarili mong anak? Nasa katinuan ka pa ba?” tanong ni Mom na kita sa mga mata niya ang galit.
“Huwag kang gumawa ng iskandalo dito, Valerie–”
“No! Hindi ako titigil hangga’t hindi mo sinasagot ang tanong ko! Mas matimbang ba talaga ang anak mo sa labas kaysa sa tunay mong anak, ha? Sumagot ka!” sigaw muli ni Mom.
Pinipigilan naman siya ni Tita Chantal.
Pero mabilis na sinugod ni Mom si Dad at pinaghahamapas iyon.
“Huwag mong saktan ang asawa ko, Valerie!” sigaw ni Gina pero mabilis na tumingin si Mom sa kaniya.
“Huwag kang makialam rito!” sigaw niya.
Pero hindi pa rin tumigil si Mom at hinahampas pa rin si Dad.
“Sinabi nang tumigil ka!” sigaw ni Gina at nakita ko kung paano niya sampalin si Mom dahilan para mapa-atras ito.
“Ano? Gising ka na ba, Valerie? Huwag mong sisihin ang asawa ko dahil tama lang yung ginawa niya! Masyado mong in-spoiled ang anak mo kaya hindi na marunong rumespeto!”
“Walang hiya ka!” This time, si Mom naman ang sumugod kay Valerie at sinabunutan iyon.
Nagsabunutan sila pero mabilis na umawat si Tita Chantal at Dad.
“Wala kang kwenta! Mas mahalaga pa sa iyo ang babae mo kaysa sa anak mo!” sigaw ni Mom.
“Huwag kang magmalinis, Valerie! Ikaw ang unang nagloko sa asawa ko. Hindi ba sumama ka sa lalaki mo at iniwan sila ng anak mo?” sabi ni Gina
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...