VS 24

56 3 0
                                    

AVIANNA'S POV

I was about to leave when my Mom's called me. Mabilis naman akong lumapit sa kaniya.

"Anak, pwede bang ikaw na muna ang magahatid nito sa Tita Valeria mo? Kailangan ko kasing um-attend ng meeting namin at kailangan na rin ito ng Tita mo dahil kanina pa ito hinihintay," sabi ni Mom at inabot sa akin ang isang paper bag.

Hindi na akong nag-abalang magtanong at tingnan iyon.

Kinuha ko ang paperbag bago ako umalis.

Magpapahatid na lang sana ako kay Manong nang magsalita si Mom.

"Wala si Roy, pinaayos ang sasakyan. Maybe mag-commute ka na lang," sabi ni Mom sa akin.

"What? But, Mom-"

"Baby I need to go, Bye," sabi ni Mom bago ako hinalikan sa pisngi at umalis.

Wala na akong nagawa pa kundi ang pumayag.

Nakakainis naman, bakit ngayon pa nasira ang kotse namin kung kailan inuutusan ako ni Mom.

Lumabas ako ng bahay bago nag-abang ng taxi kahit bibihira ang taxi dito.

Nasa tabing kalsada ako nang may isang kotseng huminto sa harap ko.

Mabilis iyong nagtaas ng front door glass. Nakita ko si Ate Cameron na nakangiti sa akin.

"Saan ang punta mo?" tanong niya kaya lumapit ako sa kanya.

"Sa bahay po nila Tita Val," sabi ko sa kaniya. Agad niya akong sinenyasan na pumasok kaya agad akong pumasok sa kotse niya.

"Idadaan na kita tutal madadaanan ko ang subdivision nila," sabi pa niya.

Napangiti naman ako sa kaniya bago kami umalis.

Fast Foward

Nakarating kami sa gate ng village nila Riley. Hindi na ako nagpahatid pa sa loob dahil alam kong busy si Ate Cam ngayon.

Naglakad na lang ako papasok dahil malapit lang rin naman at ayoko na rin maghintay pa.

Ilang saglit pa ay nakarating ako sa bahay nila. Medyo nakakapagod lang pero masarap sa pakiramdam dahil hindi na ako nakakapaglakad masyado ng ganito kalayo.

Nag-doorbell na ako at maya-maya ay lumabas ang isang maid nila.

Agad naman niya akong pinapasok nang makita niya ako. Pagpasok ko ng bahay nila bumungad sa akin si Tita Val.

Nakangiti siyang lumapit sa akin bago ko inabot sa kaniya ang paperbag.

"Hija, come in," sabi niya pa sa akin at pinapasok ako.

Pagpasok ko pa lang ng bahay nila ay nakita ko si Talia na nakaupo sa sofa.

Mataray niya akong tinignan kahit na alam kong nagulat niya nang makita akong dumating dito.

"May bisita po pala kayo," sabi ko pa na tila nahihiya kay Tita Val.

Kasama ni Talia ang Daddy niya na prenteng nakaupo.

"Ah, yes. He was a friend of Raven," sabi ni Tita Val sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kaniya bago bumaling ng tingin kay Talia na masamang nakatingin sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya para mas lalo siyang maasar.

"Diyan ka muna at tatawagin ko sandali si Riley para ihatid ka sa bahay niyo," sabi ni Tita kaya naman ngumiti lang ako sa kaniya.

Umakyat na siya kaya naman muli akong nakatingin kay Talia.

Masasama ang bawat tingin niya sa akin kaya naman the better way is to gave her a smile.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now