VS 62

66 5 7
                                    

VICTORIA'S POV

Prente akong nakaupo habang papalapit sa akin si Eliz.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-scroll sa cellphone.

"Iyah, ano na naman to? Hindi pa tapos ang issue mo, gumawa ka na naman!" sabi ni Eliz sa akin.

For sure nakita na niya ang pictures na pinakalat ko.

Nagkunwari akong walang alam.

"Anong pinagsasasabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Iyah, hindi ba sinabi ko na sa iyo na magpalamig ka? Ang hirap lusutan ng mga issue mo tapos dinagdagan mo pa. Paano kung malaman to ni Tita X?" tanong niyang muli.

"Eliz, calm down okay? Hindi ko alam kung ano o sinong poncio pilato na naman ang nagpakalat niyan. Kaya pwede ba? Huwag mo kong sisihin?" mataray na sambit ko sa kaniya.

"Hindi ako naniniwala sa iyo, alam kong isa ito sa plano mo. Iyah naman!"

Gaya ng nakasanayan, hindi na ako nagsalita pa.

Masyadong maingay si Eliz. Hindi ko kakayanin ang bunganga niya.

Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone niya.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tumatawag si Tita X," sabi niya at mabilis na sinagot iyon.

Maya-maya pa ay bumalik siya habang walang emosyon.

"See? Pinapapunta ka niya dahil may meeting raw kayo. Alam mo naman na siguro ang dahilan," sabi niya na tila walang gana.

Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy lang sa ginawa ko.

Binisita ko pa ang website na nagpakalat ng pictures namin ni Conrad.

Ang puno iyon ng hate comments.

Boto sila kay Sam, as ussual ang daming galit sa akin.

Pero wala na akong pake sa kanila.

Dahil sanay na ako sa ganoong mga comments na halos isumpa na ako ng ibang fans ni Sam.

***
Gabi na, hindi ko alam pero ang lakas talaga ng kutob ko na susugod dito si Conrad.

Kaya naman naghanda na ako.

Wala akong suot na kahit na anong saplot at tanging bathrobe lang ang suot ko.

Pinapahid ko ang lotion sa makinis ko g balat nang biglang may malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko.

Mabilis kong sinuot nag earpods ko at nagpatugtog ng malakas upang hindi iyon marinig.

Nagpatuloy ako sa pagpahid ng lotion at naramdaman kong bumukas ang pinto.

Ilang saglit pa nang may humila sa akin paharap.

Bumungad naman sa akin si Conrad na halatang nagulat nang makita ang katawan ko.

Nagpanggap akong nagulat kaya naman mabilis ko g tinanggal ang earpods sa tainga ko.

"Conrad, what's bring you here?" tanong ko sa kaniya.

"Is this your plan, huh? Ang siraan ako kay Samantha?" tanong niya.

Huminga naman ako at lumapit sa kaniya.

Kita ko ang paglunok niya kaya naman isang ngiti ang gumuhit sa labi ko.

"Masyadong mainit ang ulo mo, just calm down. Just relax. Isa pa, wala akong alam sa sinasabi mo. Im just doing my night routine here in my room," sabi ko pa at mas lalong ibinungad sa kaniya ang katawan ko.

Muli siyang napalunok kahit na sobrang seryoso ng mukha niya, alam kong hindi niya matitiis ang ganitong sitwasyon kaya naman hinubad ko ang bathrobe na suot ko.

"What are you doing?" tanong niya at akmang aalis nang pigilan ko siya.

"Come on, Conrad. Just admit it, I won't mind if you join me," bulong ko habang hinahaplos ang dibdib niya.

"Victoria, stop this shit-"

"Shh..." Hinarang ko ang hintuturo ko sa bibig niya bago ko hinawakan ang mukha niya.

"Im all yours, Conrad. Im still your dream girl," dagdag ko.

Kita ko kung paano nagpigil si Conrad sa mga nangyayari.

But I know him too, hindi siya makakapagpigil lalo na kung ako ang kaharap niya.

Samantha's POV

"Cameron, nakita niyo ba si Niel?" tanong ko sa kanila.

Kanina pa kasi siya wala. Hindi ko alam kung ano ang naiisip niya ngayon.

Ang sabi ni Cameron, viral raw si Niel. Pero hindi ko iyon tiningnan dahil ayokong maskatan.

Lalo nang sabihin nila na si Victoria at Niel ang nasa pictures.

"Nagmamadali siyang umalis kanina nang makita yung pictures," sagot niya sa akin.

Muli kong tinawagan ang cellphone niya at nag-ring lang iyon.

Nag-aalala ako dahil nakainom siya at baka kung ano ang mangyari sa kaniya sa daan.

Nandito kami sa club. Since long weekend, nagpasya kaming pumunta rito kasama ang mga friends ko.

Pero bigla na lang siyang nawala at hindi nagpaalam sa akin.

Muli kong tinawagan ang number niya pero gaya kanina ay nag-ring lang iyon.

Lumabas ako sandali ng club at naglakad-lakad. Baka sakaling makita ko siya.

"OMG! Miss Samantha?" tanong ng isang babae kaya naman lumingon ako sa kaniya.

"Idol na idol po kita! OMG! Pwede po bang makapag-picture?" natutuwang tanong niya pa.

"Sure!" sagot ko at ngumiti sa cellphone na hawak niya.

"Thank you, Miss Samantha! I love you!" masayang tugon niya at ngumtii lang ako.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako nagpasyang pumasok sa loob. Wala pa rin si Niel.

"Oy, Sam. Saan ka galing? Nakita mo na ba si Niel?" tanong ni Cameron.

"Hindi pa, I think may pinuntahan siya," sagot ko at umipo na lang sa couch.

"Hayaan mo muna siya. Babalik rin iyon. Tara! Doon tayo!" sigaw niya at hinila ako. Natawa na lang ako dahil mga lasing na talaga sila.

Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi hintayin at mag-alala kay Niel. Nasaan na ba siya?

Hindi man lang siya ngaalam n aalis siya.

Hindi ko rin maiwasang hindi isipin na baka pumunta siya kay Iyah at sinugod siya.

Kaya naman napatayo na lang ako bigla nang ma-realize kong posible nga iyong gawin ni Niel.

Pero for sure naman na may dahilan iyon.

Alam ko ring hindi nila magagawa sa akin ang bagay na iyon.

Lalo na at kaibigan ko sila mula pagkabata.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko upang pakalmahin ang sarili.

Nandito ako para mag-relax dahil na-stress kami buong linggo.

Kaya naman kailangan kong iwasan ang stress dahil baka mabaliw na ako kakaisip kung nasaan si Niel kung patuloy ko pa ring iisipin iyon.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now