VS 26

50 1 0
                                    

Talia’s POV

Every time I look at Avi badly while she's with Riley's younger sister Margaux!

It's apparent that she's plastic in her actions, and it's also obvious that she's just doing that to get Riley's attention.

How desperate she is! I was so annoyed that I just went to the comfort room.

I stayed in the toilet while trying to get rid of my annoyance with Avi.

After that, I went out, and I was shocked when I saw my Brother.

“Kuya? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.

Nakita naman niya ako at nagulat rin siya nang makita ako.

“Ako dapat ang nagtatanong niyan. Anong ginagawa mo dito?” tanong niya pa kaya naman mas tumaas ang kilay ko.

“Teka nga kuya, nakakapanibago lang at andito ka,” sabi ko pa habang nakataas ang kilay.

“I’m invited,” sabi niya naman bago lumingon sa paligid.

“Yung totoo, Kuya? Anong meron sa inyo ni Ate Victoria? Bakit kasama mo siya?” tanong ko dahilan para magulat siya.

“See? May tinatago ka ano?” sabi ko pa kaya naman mabilis niya akong hinila.

“So, tell me? Bakit kayo magkasama noong araw na nagkita tayo sa mall?” tanong ko pa sa kaniya.

“Shut up, Talia!”

“Pero kuya naman, eh! Huwag mo sabihing girlfriend mo si Ate Victoria?!” tanong ko pa at nagtakip ng bibig.

“Fuck! Pwede bang wag ka nang maraming tanong? Napakaingay mo! Baka magkaroon pa ng issue!” sabi naman ni Kuya.

“Napaka-defensive mo naman ata, Kuya? Tototo ano?” pang-aasar ko pa rin sa kaniya.

“Shut up, Talia!” Masama lang siyang tumingin sa akin bago umalis.

“Hoy. Kuya!” sigaw ko pa sa kaniya at akmang hahabulin siya nang may mabangga ako.

Nakita ko kung sino iyon at napataas ang kilay ko. It’s her! The Avianna Bitch!

Akmang aalis na sana siya nang humarang ako sa daraanan niya. Napatigil naman siya at tumingin sa akin.

Isang ngiti naman ang binigay ko sa kaniya. Huminga pa siya ng malalim bago akmang lalagpa
asan ako pero mabilis ko ulit siyang hinarang.

“What’s your problem?” mataray na tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay kaya naman ngumiti ako sa kaniya.

“Talagang makapal ang mukha mo ano?” sabi ko pa habang nakatingin sa kaniya.

Nakita ko namang tumawa pa siya bago nagsalita.

“At talaga rin bang wala kang kadala-dala? Pati dito sa party ng Mom ni Riley manggugulo ka? Hindi mo ba kayang palampasin ang isang araw na ito? Kasi nakakahiya kay Tita Val eh,” sabi niya habang nakatingin sa akin.

“Nanggugulo? Wala namang gulo kung titigilan mo si Riley. Hindi siya para sa iyo, huwag kang assumera!” sigaw ko naman sa kaniya.

“At para kanino siya? Para sa iyo?” mataray na sambit niya. Ngumiti naman ako at talagang palaban siya, huh?

“Kung alam mo naman pala bakit ka pa nagtatanong?” mataray rin na sagot ko pabalik sa kaniya.

“Wait, sa pagkakaalala ko ay ni hindi ka niya kilala, tapos you are telling me na ikaw ang para sa kaniya? Nagpapatawa ka ba?” tanong niya sa akin.

Mabilis na naningkit ang mata ko at agad ko siyang sinabunutan.

“Ang kapal ng mukha mong kalabanin ako!” sigaw ko sa kaniya at kinaladladkad siya.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now