VS 33

37 1 0
                                    

THIRD PERSON’S POV

Nagkakagulo sa labas ng MPX ang mga reporter para sa paglabas ni Ellaisa Reyes.

Halo-halo ang mga tao para makuhaan ng pahayag si Ellaisa para sa isang viral post na may anak na ito.

Hindi niya magawang harapin ang mga tao dahil totoo ang lahat ng nasa post ng isang netizen.

Pinaghahanap na rin iyon ng mga police subalit dahil magaling na hacker ang inutusan ni Victoria ay hindi nila ito mahanap.

Lumabas ng MPX studio si Ellaisa na napapaligiran ng mga bodyguard bago ito pumasok sa kotse.

Hindi niya lubos maisip kung sino ang may pakana ng pictures nila ng anak niya lalo na at napaka-private ng photos na iyon.

Sa kabilaang banda ay napapangiti si Victoria nang makita ang kalagayan ng kaibigan niya.

Hindi niya hahayaang may humigit sa kaniya.

Lingid sa kaalaman ng lahat, siya ang may pasimuno sa lahat ng viral photos ng mga artista.

Silang dalawa lang ni Eliz ang nakakakalam noon kaya maski ang manager nila na si Xandra ay walang alam kung sino ang mastermind.

“Nakita mo kung anong gulo ang ginawa mo?” tanong sa kaniya ni Conrad.

Prente lang siyang nakaupo habang may hawak na wine glass sa kamay.

“Masyado kang paranoid. Bakit? Gusto mo akong isumbong? Go ahead,” mataray na sabi ni Victoria sa akniya.

“Hindi ka ba nakokonsensay sa ginawa mo?” tanong muli ni Conrad sa kaniya. Tumayo siya at lumapit dito.

“Be professional. Walang personalan. Masyado na kasing mataas ang tingin niya sa sarili niya,” sabi niya pa habang pinapanood ang balita.

Hindi na sumagot pa si Conrad at umalis na lang ito. Naiwan siyang seryosong nakatingin sa television.

***

“Ano pong masasabi niyo, Miss Xandra sa kumakalat na post ngayon sa social Media tungkol sa bago niyong alaga?” tanong ng isang reporter kay Xandra.

“Ini-imbestigahan na kung sino ang nagapakalat ng post na iyon. And I will make sure na makukulong siya,” sabi ni Xandra batgo ito pumasok sa loob ng kotse nito.

Inis ang naramdaman ni Victoria nang mapanood niya ang mga pahayag ni Xandra.

Dahil mukhang mas kinakampihan ni Xandra si Ellaisa ang bago nitong talent kaysa sa kaniya.

Ilang beses na nangyari ito sa mga artista subalit hindi pa rin siya nahuhuli ng mga ito dahil madalas na maraming nag-viral ngayon, natatabunan at mabilis na nakalilimutan ng tao ang mga nangyaring issue.

SAMANTHA’S POV

“Darating ba si Victoria?” tanong ni Mom sa akin habang papalapit sa kung nasaan ako.

“Im not sure, Mom. Hindi niya pa siansagot ang tanong ko. Iniiba niya palagi ang topic sa tuwing makakausap ko siya,” sagot ko kay Mom na ngayon ay nakaupo sa sofa na katabi ko.

“Sana naman ay makapunta siya dahil ilang Christmas party na siyang hindi nakakapunta,” sabi pa niya.

“Mom, hindi siya pupunta dahil alam niyang pupunta sila Tita Val. You know her, ayaw niyang nakakaahalubilo sila dahil hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa kanila,” mahabang paliwanag ko sa aknaiya.

“Kahit na may surprise ako para sa inyo?” tanong niya pa na ikinalingon ko.

“Surprise?” tanong ko sa kaniya.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now