VS 47

29 0 0
                                    

VICTORIA’S POV

Nang makarating sa kwarto ay agad akong tinanong ni Conrad. Tahimik na dito at wala rin si Eliz.

“ Bakit ka umalis mag-isa? Hindi ba sinabi kong sasamahan kita?” tanong niya pa kaya naman napangiti ako dahil mukhang sobra siyang nag-alala sa akin.

“Are you worried?” nakangiting sambit ko sa kaniya.

“Natutuwa ka pa na na-harass ka ng lalaking iyon?!” sabi niya kaya naman nawala ang ngiti ko bago ako nagtaas ng kilay.

“At sinong matinong babae ang matutuwa na hinarass siya?” tanong ko pa sa kaniya.

“So, bakit nga hindi mo sa akin sinabi?” tanong niya pa.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

“Dahil ayaw kong sumama ka pa dahil hindi mo na trabaho na bantayan ako kapag tapos na ang trabaho mo,” sabi ko pa sa kaniya.

“Fuck! Alam mong delikado ang mag-isa ka hindi ba? Ilang beses ko nang sinabi iyon. Sasamahan kita kahit saan pa,” sabi niya pa sa akin.

Lumapit naman ako sa kaniya at tiningnan siya sa mata. Inilagay ko lang ang kamay ko sa leeg niya bago nagsalita.

“Ang sweet mo talaga,” sabi ko pa at hinawakan ang mukha niya bago siya hinalikan.

Agad rin naman niya iyon pinutol.

“Did he hurt you?” tanong niya pa.

“I’m fine now–”

“Tell me anong ginawan niya sa iyo?" tanong niya sa akin.

Huminga naman ako ng malalim bago umupo sa kama.

“He forcefully kissed me. When I was about to leave when he grab me and push me to the couch. I was scared kasi para siyang demonyo habang nag-eenjoy siyang hinahalikan ako. Hinawakan niya pa ang kamay ko para hindi ako manlaban sa kanya. Mabuti na lang at dumating ang waiter, he helped me,” sabi ko habang ipinakita kung gaano ako natakot.

Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Kita ko rin kung paano umigting ang panga niya sa galit. He looks hot!

“Ginawa niya yon?” tanong niya pa.

Tumango na lang ako. Nakita ko namang galit niyang binuksan ang pinto agad ko siyang pinigilan.

“Conrad! That's enough. Makukulong na siya okay? Just calm down,” sabi ko pa sa kaniya at hinalikan siya.

“Calm down? Binastos ka niya!” sigaw pa niya.

Bigla naman akong nakaramdam ng tuwa dahil sobra siyang nag-aalala for me. He really loves me.

“Enough, okay? Batas na ang bahala sa kaniya,” sabi ko pa at inilagay ang kamay ko sa leeg niya.

Nagtitigan pa kami bago ko siya hinalikan. This time naman ay hindi siya pumalag.

Naramdaman ko rin na mas lalo niyang pinalalim ang halikan namin.

Binuhat niya pa ako at inilapag ng dahan-dahan sa kama.

SAMANTHA'S POV

Kanina ko pa tinatawagan si Babu pero kanina pa rin ring nang ring ang cellphone niya.

May problema kaya siya? Ang sabi niya kasi kanina ay papunta na siya pero isang oras na ay wala pa rin siya.

"Ate, hindi pa ba dumating si Kuya Conrad?" tanong ni Avianna sa akin.

Umiling lang ako habang hinihintay ang pagsagot niya.

"Hindi pa rin," sagot ko sa kanya.

"Baka busy siya?" tanong niya ulit.

Ang sabi niya ay papunta na siya pero hindi pa rin siya nadating. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi pa rin siya sumasagot.

Nasan na ba kasi si Babu? Masyado niya akong pinag-aalala.

Gusto ko siyang puntahan sa bahay ni Iyah pero for sure magtataka iyon kung bakit ko sinsundo si Conrad.

Ilang minuto pa ang lumipas nang muling tumunog ang cellphone. Nakita ko namang mukha ni Babu ang nag-appear sa screen. Napangiti ako at agad na sinagot iyon.

“Babu, nasan ka na? Ayos ka lang ba?” nag-aalala na tanong ko dahil kanina ko pa siya tinatawagan.

“Yes, I’m good. Pasensya ka na at na-late ako. Nagkaroon lang ng problema but Im on my way,” sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Okay, I will wait. See you, Babu,” sabi ko pa at pinatay ang tawag.

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya.

Maya-maya pa ay nagulat ako nang biglang nagbulungan ang mga katulong namin. Sa sobrang curious ko ay lumapit na ako.

“What’s wrong?” tanong ko sa kanila.

Agad naman silang napalingon sa akin.

“Ma’am Samantha, may balita po kasi,” sabi ng isang tagaluto namin na si Manang Alma.

Inabot niya sa akin ang cellphone niya.

Agad ko naman iyong kinuha at tiningnan.

Nakita ko ang header ng news sa isang page na naka-appear sa screen.

Nakita ko doon si Iya na kasama ang mga police. Anong meron?

“Hinarass raw po si Miss Victoria ni Ashton Villa. Mabuti na lang po at bumalik ang isang waiter para iligtas si Ma’am Victoria,” paliwanag ng isang maid.

Bigla ko tuloy naalala si Conrad. Kaya ba na-late siya dahil pinuntahan niya si Iyah?

Pero tapos na ang working time niya at nangako siyang sasamahan niya ako tonight.

Agad kong tinawagan si Iyah dahil for sure magtatanong na naman si Mom sa akin.

Agad naman niya iyong sinagot.

“Iya, are you okay?” tanong ko sa kaniya habang hinihintay ang sasabihin niya.

“I’m fine now, Sam,” sabi niya at rinig ko naman ang masaya na boses niya.

Hindi ko alam kung bakit ang reaction niya pero hinayaan ko na lang.

“Good, nakita ko kasi sa news na hinarass ka ni Ash. Bakit niya ginawa iyon?” tanong ko pa sa kaniya.

“Sam, you know him. He was so obsessed at me,” sagot niya

Yes, manliligaw niya noon si Ashton pero hindi niya sinagot and until now mukhang may gusto pa rin sa kaniya si Ash.

Nakita kong dumating na ang kotse ni Conrad kaya agad akong nagsalita.

“Okay, I will call you back, Iya,” I said bago ko binaba ang tawag.

Sinalubong ko naaman si Conrad at niyakap. Hinalikan naman niya ako sa noo.

“Are you okay?” tanong ko sa kaniya dahil mukha siyang hindi okay.

“Yeah, nagkaroon lang ng kaunting problema,” sabi niya pa.

Tumango naman ako at hindi na naagsalita pa. Ayoko kasing makadagdag sa isipin niya.

“Lets’ go?” tanong niya kaya naman ngumiti lang ako bago niya hinawakan ang kamay ko.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now