VICTORIA’S POV
“Perfect!” pumapalakpak na sabi ni direk habang sinalubong kami ni Eli.
Nakangiti naman ako sa kaniya habang nag-thank you.
“Bagay na bagay talaga kayo,” pang-ookray niya. Kaya naman natawa na lang kaming dalawa ni Eli.
Nasa kalagitnaan kami ng katuwaan nang mapalingon ako kay Conrad na masama ang tingin kay Elison.
Nakita niyang nakatingin ako kaya naman lumabas siya.
“Excuse me," sabi ko sa kanila bago ko sinundan si Conrad.
Hindi pa man ako nakakalabas nang makasalubong ko si Leane.
“Iya, saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.
“Magbabanyo lang,” palusot ko at akmang lalabas nang tawagin niya ako.
“May banyo naman rito,” sabi niya pa kaya naman nag-isip ulit ako ng dahilan.
“May tao sa banyo, ihing-ihi na ako. May tanong ka pa?” nakataas ang kilay na tanong ko bago lumingon sa hallway.
“Wala naman,” sabi niya kaya naman dali-dali akong lumabas.
Hindi ko na naabutan si Conrad sa hallway kaya naman naglakad-lakad na lang ako para hanapin siya.
Saan ba kasi pumunta ang lalaking iyon? Hindi mo talaga maintindihan minsan.
“Victoria!” Napalingon ako kung saan nang marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko si Alyana na papalapit.
“Balita ko nag-offer rin sa iyo ang Hobey,” nakangiting tanong niya pa.
“Yeah,” sabi ko habang nalingon kung saan.
“May hinahanap ka ba?” tanong niya pa kaya naman napangiti ako sa kaniya at umiling.
“Wala naman,” sagot ko habang pasimpleng natingin sa likuran niya.
Saan ba siya pumunta?
“Wait! Siya yung body guard mo hindi ba?” tanong niya pa kaya naman napalingon ako sa tinuro niya.
Nakita ko si Conrad na buhat si Cameron papalabas ng studio.
“Yeah,” sabi ko habang hindi maalis ang tingin sa kaniya kasama si Cameron.
Anong meron at buhat niya si Cameron? Dahil sa curiosity ko, sumunod ako.
May mga staff na nakasunod sa kaniya kaya naman hindi ako gaanong makadaan.
Agad silang lumabas ng building at sa labas ay may naghihintay na ambulance.
Nakita ko kung paano protektahan ni Conrad si Cameron sa mga tao sa labas hanggang sa makaalis sila.
Nagulat ako kung bakit pati si Conrad ay kasama.
“Iya, huwag ka munang lumabas, wala si Niel baka mapaano ka,” sabi ni Leane sa akin bago ako pinapasok sa loob ng building.
“What happened?” nagtatakang tanong ko. Maya-maya pa ay nakita ko si Eliz pa papalapit.
“Natapilok at nagkamali ng bagsak si Cam kanina,” sabi niya.
Hindi ko alam pero naiinis ako nang makita kung paano niya protektahan ang ibang tao. Sa inis ko hindi ko namalayan na nag-walk out na pala ako.
Naglakad ako papasok ng studio. Mabuti na lang at katatapos lang ng break kaya wala nang makakapansin pa sa ginawa ko
Fast Forward
“How is she?” tanong ko kay Sam.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...