VICTORIA'S POV
Palabas na ako ng kwarto nang bumungad sa kin si Eliz.
Kita ko na hindi maganda ang expression ng mukha niya kaya naman mabilis akong nagtanong.
"What happened?" tanong ko sa kaniya.
May hawak siyang cellphone kay mas lalo aakong kinabahan. Ano na namng scandal ang kumakalat?
For sure tungkol na naman to sa akin kaya naman mabilis na kumabog ang dibdib ko.
Dahil baka kagagawan iyon ni Conrad.
"Iyah, may kumakalat kasi na video ngayon," sabi niya pa kaya naman hindi pa niya sinasabi ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"About what?" tanong ko pa.
Kahit na kinakabahan ako ay pinilit kong kumalma.
"About Sam." Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya.
Don't tell me about sa kanila ni Conrad? Bakit biglaan naman ata?
Ni-reveal na nila sa lahat ang relasyon nila? No way!
Mabilis kong kinuha ang cellphone ni Eliz at bumungad sa akin doon si Samantha habang may kahalikan na ibang lalaki. Napataas ang kilay ko nang makita ko ang lalaki and hindi iyon si Conrad.
"What is this?" tanong ko pa sa kaniya.
"Dumaan lang ito sa newsfeed ko. And trending na iyan," sabi pa niya.
Binasa ko ang ilang comments and gaya ng nasa isip ko, binash nila si Sam.
Maraming masasakit na salita ang mga sinabi nila but mas nagulat ako sa ibang comments.
Pinag-compare kami ni San na mabuti pa raw ang isang Victoria Green ay kahit na sikat at maganda hindi ganiyan.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil mas inaangat nila ang pangalan ko but in other side bigla akong kinabahan ng sobra.
"Ikaw ba ang may gawa nito, Iyah?" tanong pa ni Eliz sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Seriously, Eliz? Why would I? Alam naman natin na kahit hindi ko gawin iyan ay mas angat ako sa kaniya," sabi ko pa.
Hindi siya kumibo kaya mabilis ko siyang tinanong.
"Dahil ikaw lang ang kilala kong pwedeng gumawa niyan especially may mga comments diyan na related sa iyo," sabi pa ni Eliz.
Mabilis naman akong naalarma. About that! Nasa trending si Sam ngayon and may mga comments nga na related sa akin!
Maya-maya may isang katulong na bumungad sa amin.
"Madame, nasa labas po si Niel," sabi niya kaya naman mabilis akong lumabas habang patuloy ang malakas na kabog sa dibdib ko.
Nakasunod sa akin si Eliz bago ako lumabas ng gate ay
sinigurado kong walang ibang taong makakakita.Nakalabas ako ng bahay at nakita ko doon ang motor ni Conrad na nakaparada sa harap ng gate ng bahay ko.
"Anong kailangan mo?" tanong ko pa sa kaniya.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.
"Hindi ba binalaan na kita?" tanong pa niya s aakin kaya mabilis akong umalma.
"Conrad, wala akong ginagawa! Hindi ako ang nagpakalat ng video na iyon!" sigaw ko sa kaniya.
Tumawa lang siya ng peke bago tumingin sa akin.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...