VICTORIA’S POINT OF VIEW
“Baby Girl,” sambit niya. Bigla akong kinilabutan sinabi niya.
I stared at him until he reached where I was. I saw even more who he was. I wasn't wrong! He is the person that I suspected.
“Ikaw?! Sinasabi ko na nga ba!” sigaw ko sa kaniya at masama siyang tinignan.
Nagulat ako ng itapon niya ang sigarilyo na hawak niya bago ngumiti sa akin. He still look like a gangster.
“Calm down,” nakangiting sambit niya at lumapit pa sa akin. Medyo napaatras ako dahil sa kaba.
“What do you need? Why are you bothering me?” mataray na tanong ko sa kaniya.
Pero imbes na sagutin ako ay lumapit siya sa akin.
“Paano mo nalaman ang number ko? Sino ka ba?” dugtong ko pa habang dahan-dahang naatras.
Nakatingin lang siya sa akin ng diretso habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng jacket niya.
“Gusto mo talaga malaman?” tanong niya pa habang nakatingin sa akiin.
Mas lalo akong kinabahan sa kilos niya. Hindi ko namalayan na may poste pala sa likod ko kaya napahinto ako.
Tinignan ko lang siya ng masama. Muli siyang ngumiti at lumapit sa akin.
“Don’t come near me or I will sue you!” sigaw ko sa kaniya.
“ I want to show you something.” sabi niya pa at ngumiti.
Muli siyang lumapit sa akin at ipinakita ang screen ng cellphone niya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang video na naka-play sa cellphone niya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa napanood ko. Nakangisi lang siyang nakatingin sa akin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.
Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya.
Nanatili siyang nakangiti sa akin.
“What the hell do you want?” seryosong tanong ko.
Nakakainis talaga ang lalaking ito! Mas lalo akong kinakabahan ngayon dahil sa video na ipinakita niya.
Hindi pwede ito! Hindi ako papayag na ganituhin lang ako ng pesteng lalaking to!
Muli siyang lumapit sa akin bago bumulong.
“Ikaw,” sabi niya na ikinatigil ko.
“Nagpapatawa ka ba?” mataray na tanong ko sa kaniya.
“Mukha ba akong nagpapatawa?” pilosopong tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kaniya at kita ko namang seryoso nga siya.
“Are you insane!” sigaw ko sa kaniya habang natatawa pa dahil sa sinabi niya.
“Do you really think na papatol ako sa gangster na katulad mo? Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop ka nagmula!” sabi ko sa kaniya habang natatawa pang tumingin sa kaniya.
“Fine, kung hindi ka papayag sa gusto ko. Ikakalat ko ang video na to,” sabi niya pa habang iwagayway pa ang cellphone niya habang naka-play ang video naming dalawa.
“Go ahead! Hindi ako natatakot. Mas lalo akong sisikat at kababaliwan ng mga lalaki kung ilalabas mo yan. Mas lalo mo lang pinapalago ang career ko,” nakangiting sambit ko kahit na ang totoo ay sobra na akong kinakabahan.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...