VS 54

17 0 0
                                    

THALIA'S POV

Isang matamis na ngiti ang binigay ko kay Riley bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Kakarating lang namin galing sa studio. Hindi ko naman inaasahan na hihintayin niya pa ako.

Kaya naman hindi maalis ang ngiting kanina ko pa tinatago dahil nakakahiya sa kaniya.

Baka isipin niyang baliw na baliw ako sa kaniya. Kahit na totoo naman.

Pumasok na ako ng bahay at bumungad sa akin si Mom na nagtataka akong tiningnan.

Mabilis naman akong umayos bago ngumiti sa kaniya.

“Mom,” pagbati ko.

“Hija, mukhang nagulat ka ata?” tanong pa niya.

“Ano pong ginagawa niyo rito?” tanong kong muli.

“Wait, I think Im the one should ask you. Sino ang naghatid sa iyo?” nakangiting tanong pa ni Mom.

Kaya naman bigla akong namula sa tanong niya.

Actually, she doesn’t know yet about what Riley said.

Hindi niya alam na manliligaw ko si Riley.

“Nothing, Mom,” sagot ko naman.

Ayoko munang sabihin sa kaniya dahil baka maudlot pa at biglang umiba ang ihip ng hangin at mapunta na naman siya kay Avi.

“Well, mukhang ayaw mo pang sabihin ang totoo, so let’s go?” tanong pa niya bago ako ngumiti at pumasok sa loob.

Pagpasok ko nakita ko si Kuya at Ate Sam na nasa sala kasama si Tita Chantal at Avi. Anong ginagawa ng babaeng ito rito?

Hindi ko na lamang pinansin iyon.

Masaya naman akong binati nila habang si Kuya naman ay tumayo at masama ang tingin sa akin.

Bigla akong kinabahan. Bakit ba ganito siya?

“Mag-usap tayo, Natalia,” sabi ni Kuya bago siya lumabas ng bahay.

Kaya naman napatingin ako sa kanila at base sa histura nila ay wala rin silang ideya kung bakit ako gustong makausap ni kuya.

Sobra ang kabang nararamdaman ko. Ano bang dahilan?

Hindi kaya alam na ni Kuya ang nangyari?

“Kuya, what’s wrong? Why do you want to talk to me?” tanong ko sa kaniyaa.

“Is he courting you?” he asked while looking aat me directl to my eyes.

“Who?” I asked in astonishment.

Hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy niya kaya naman hinintay ko ang isasagot niya.

“You know what Im talking about. That guy, a younger brother of Victoria,” sagot niya sa akin habang ako naman nanlaki ang mata ko.

How did he knows about that?

“How did you know–”

“Just answer me, Natalia,” seryosong sabi niya pa.

Bigla kong naisip na nandito si Avi at posibleng siya rin ang nagsabi kina Mom!

Kahit kailan talaga napaka-pakialamera ng babaeng iyon!

“Si, Avianna ba ang nagsabi?” tanong ko naman sa kaniya.

“Why didn’t you answer me instead of asking me?” tanong niyang muli.

Huminga ng ako ng malalim bago ako nag-cross arm.

“I will answer your question but tell me first sino ang nagsabi sa iyo niyan? Si Avi ba?” tanong ko pa.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now