VS 2

165 8 0
                                    

"OMG! Si Victoria iyon hindi ba?"

I immediately go inside my Van. I'm so tired today. I'm not in the mood.

Pagpasok ko ay pinagkagulahan ang Van ko sa labas kaya naman napapikit ako ng wala sa oras .

Where the hell are they?

"Where are they?" I asked my driver and my P.A .

"Madame, nasa loob pa po sila. Inaayos ang gamit," she replied to me.

I close my eyes to relieve my stress. I don't want to wait longer. And they know that. Even my manager is still not here yet. What the hell is going on?

After a few moments, I felt my van's door open. Their voices jolted me awake.

"Hey, Iya. Sorry! Kinausap pa kasi si Xandra ng director," Eliz said while her bags were fixed inside.

"Whatever, I want to go home," I muttered, rolling my eyes and trying to fall back asleep.

Someone entered after a minute, and I heard her voice. I choose to ignore her. When we get to my unit, they take care of my belongings while I relax in my comfortable bed.

“Nagpa-deliver na ako, Girl,” sabi ni Eliz habang inaayos ang mga gamit namin.

“OMG! Look!” biglang tili naman ni Leane habang hawak ang cellphone niya. Napatingin naman kami ng nagtataka sa kaniya.
Agad naman na sinilip ni Eliz ang cellphone at gaya ni Leane ay tumili rin siya habang nakatingin sa akin.

“What?” nakatas ang kilay kong nakatingin sa kanilang dalawa.

Lumapit naman silang dalawa at pinakita sa akin ang picture sa akin. Napataas ang kilay ko nang makita ang picture ni Elison.

“Ikaw na! Syet! Makikita na rin natin siya!” tili ni Eliz habang kinikilig pa.

Hindi ko pa nasasabi sa kanila na yung crush nila ay makaka-loveteam ko sa next movie ko.

“Yes, he will be my leading man in my next movie,” sabi ko sa kanila.

“Bakit hindi mo agad sinabi?” sabi nila at halata namang kilig na kilig pa rin.

“Bakit hindi niyo itanong kay Tita X? Siya ang may pakana niyan,” sabi ko pa at muling humiga sa kama.

“Ang daya! Kami na lang pala ang walang alam! Girl, huwag mo kalimutan kami sa shoot mo ha?” sabi ni Leane habang hindi naalis ang kilig.

“Kukuha ako ng panibagong hairstylist at makeup artist,” pilosopong sagot ko sa kanila.

“Girl naman! Magpapa-picture lang kami sa kaniya ayos na iyon. Kahit wala na kaming bonus sa pasko,” nakangiting sambit pa ni Eliz.

Hindi sila basta-basta makakalapit kay Eli dahil may pagkasuplado iyon. Pero kahit na ganon ay bet na bet pa rin nila.

Tignan nga natin kung makapag-suplado pa siya sa akin.

“Ang swerte mo, Girl. Isang Elison Mercado ang leading man mo!” sabi pa ni Leane.

“Excuse me? Siya ang swerte dahil isang Victoria Green ang leading lady niya,” taas noong sabi ko pa. I’m proud because I’m Victoria Green.

“Hindi na kami aangal pa,” sabi nila.

“Aba, dapat lang! Kung gusto niyong makapagpa-picture kasama siya. Hindi kayo makakakuha ng photos kung hindi dahil sa akin,” sabi ko pa.

“Oo na, Girl. Hindi na ako hihingi ng bonus sa iyo. Kahit picture na lang ni Elison!” kinikilig na sambit ni Eliz.
I rolled my eyes at her. Ano bang nakakakilig doon? Halos lahat naman sila pare-parehas lang. Kung mabuti ay isang Pietro Boselli siya.

“Mag-artista na nga rin ako para naman makatambal ko si Elison!” sabi naman ni Leanne.

“Gaga, mahiya ka sa balat mo! Hindi ka tatanggapin ni Xandra!” sabi pa ni Eliz at tumawa.

Hindi siya pwedeng humanap pa ng ibang magiging manager dahil kahit na ganon si Xandra, bigatin siya. Marami siyang koneksyon lalo na sa international influencer.

“Kung mabuti kasing ganda ka ni Iya, isa pa baka walang kumuha sa iyo,” natawang dagdag niya pa.

Hindi ko na sila pinansin pa at check muli ang Instagram ko.

The notifications arrived one after the other, as expected. Fortunately, I was able to turn it off. When the food arrived unexpectedly, I was the first to post. Before I went back to bed and picked up my phone, I stood up and looked at what they had ordered. My photo received hundred thousand likes in less than a minute.

Iba Talaga ang may pangalan sa showbiz. Especially the queen of showbiz. I can’t deny na marami rin ang basher ko, lalo na yung mga alagad ni Maddison.

“Nakakagutom iyon ah?” sabi ni Eliz at agad na kumuha ng isang order. Kumain na rin ako matapos kong reply-han si Sam sa comment niya sa photo ko.

Nagsimula na akong kumain. Hindi na ako nagsalita pa kahit na panay ang pagsasalita nila.

“Nga pala, Iya. Wala ka namang schedule next week? Tara jamming,” sabi ni Eliz. Kaya nagliwanag ang mata ko sa sinabi niya.

“Sa lahat ng suggestion mo yan ang maganda,” sabi ko pa at ngumiti.

“Hoy, magpaalam ka muna kay Xandra! Baka biglaan ang lakad niyan bukas. Lagot na naman tayo,” sabi ni Leane.

“Alam mo, Girl? Ang kill joy mo talaga. Sa tingin mo papayag yan si Xandra na magpunta kami ng bar ng alaga niya lalo na kung alam niyang iinom siya?” sabi pa ni Eliz.

“Kahit na! Basta magpaalam kayo, career ni Iya ang nakasasalalay dito,” sabi niya naman. Nanonood lang ako sa kanila. Sa harap ko pa sila talaga nag-away?

“Hindi kayo nahihiya na sa harap pa ng reyna kayo nag-aaway?” mayabang na tanong ko kaya naman natigilan sila.

“Utang na loob. I don’t want to ruin my day,” dugtong ko pa.

Tumigil naman silang dalawa. Mabuti naman. Kaso nasayang yung laway ko sa pagsaway sa kanila.

“Asan ba si Tita X?” tanong ko sa kanila.

“Umalis, hindi na raw siya dadaan dito,” sabi niya na ikinagulat ko. Oo nga hindi ko napansin na hindi siya sumabay sa amin kanina.

For sure, may kausap na naman iyon about other projects.

“Basta mamaya ako na ang bahalang magpaalam kay Xandra,” sabi ko pa kaniya.

“Ay bet! Papa-reserve na agad ako?” tanong niya pa kaya tumango na ako. Wala na rin naman siyang magagawa kung umalis ako mamaya.

Victoria's SecretsWhere stories live. Discover now