VICTORIA’S POV
Palabas na ako ng studio. Hindi ko pinansin ang mga taong nagkakagulo at nagbubulungan nang biglang may isang taong bumangga sa akin.
Dahil wala ako sa mood ay masama ko siyang tinignan. I know her.
Siya ang Personal Assistant ni Cameron.
“Miss Iyah, sorry po. Hindi ko po sinasadya,” tila nahihiyang sabi pa niya.
“Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!” naiiritang sabi ko pa at akmang aalis na subalit natigilan ako nang marinig ang mga bulungan ng mga tao.
“Yun ang balita. May bago raw na actor na nag-audition dito. And ito pa ang sabi, malaki ang posibility na itambal siya kay Miss Samantha!” sabi ng isang staff.
Kaya naman napatingin ako sa babaeng nasa harap ko na pinupulot ang mga nahulog niya kanina.
“Kilala mo ba kung sino ang tinutukoy nila? Don’t deny it. I know that Cameron is close friend of Sam,” mataray na tanong ko sa kaniya.
“Ang totoo po, hindi ko po pwedeng sabihin dahil bawal po–”
“Sasabihin mo kung sino ang lalaking iyon at bawal mo akong tanggihan,” sabat ko sa kaniya.
Hindi ko hinayaang matapos niya ang sasabihin niya.
“Pero, Miss Victoria. Alam niyo naman pong bawal po talaga iyon, bakit po hindi niyo itanong kay Ma’am Cameron? O kaya po kay Miss Samantha?” sabi niya sa akin.
Dahil sa inis pa rin ako sa kaniya ay tiningnan ko siya ng masama.
“So, talagang ako pa ang uutusan mo para itanong sa kanila. Sa tingin mo ba kung may time ako magti-tiyaga ba akong tanungin ka?” mataray na tanong ko pa.
“Miss, sorry po talaga alam niyong hindi po talaga pwede iyon at ako naman po ang malalagot kay Ma’am Cameron–”
“Anna? Iyah? What’s happening here? Anong tinatanong mo sa PA ko?” tanong ni Cameron habang kasama ang isang babae.
I know her, baguhan rin siyang artista.
Mataaas ang kilay na tumingin ako kay Cameron.
“Oh, wait! For sure nakarating na ang balita sa iyo. About the new hottest actor na makakatambal ni Sam,” sabi pa niya habang nakangiti.
Hindi ako sumagot habang mataray pa ring nakatingin sa kaniya.
Nagkukunyari pa siya alam ko namang kilala niya kung sino iyon.
“So, are you interested na makilala ang taong iyon? This is so amazing! First time in the history na nagging interested ang isang Victoria Green sa baguhang actor,” sabi pa ni Cameron habang umaarte na tila namamangha.
“Will you shut your mouth and you will say who is that guy or I will cut your tongue?” mataray pa na tanong ko sa kaniya.
“Come on, Iyah. Just chill. Don’t worry. Makikilala mo rin siya sooner!” maarteng sabi pa nya.
Inirapan ko lang siya ng mata dahil sa sinabi niya.
Bakit ba kasi hindi na lang niya sabihin ng diretso?
Edi sana kanina pa kami natapos dito, hindi ba?
“Whatever,” mataray na sambit ko bago ako tumalikod at lumabas na ng studio.
Pagdating ko sa kotse naghihintay na doon si Eliz at si Kuya Tonton. Ang bagong driver ko.
“Iyah, what happened?” tanong ni Eliz nang makapasok ako ng kotse.
YOU ARE READING
Victoria's Secrets
RomanceWALA ng iba pang pinakamahalaga sa buhay ni Victoria kundi ang CAREER niya. Dahil naniniwala siya na ito ang nagbibigay saya sa kaniya sa kabila ng masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Sobrang tagal na panahon niyang ibinuhos ang luha't pawis sa...