CHAPTER 33- Ang MVP at ang Championship
RYAN’s POV
Eager crowds, determined players, smart coaches, supportive friends and relatives gathered together to witness the last game of this intercollegiate basketball league.
Game 5 of this best of five series. Both teams posted 2 wins. San Nicolas is a really good contender, expected from a defending champion. Mabuti na nga lang at napaabot pa rin namin ng dulo.
Before the final game begins, inuna muna ang awarding. Una ng in-announce yung Best Rebounder si Pareng Andy, Best assisting player, si Jacob tapos yung iba pa na hindi ko na rin matandaan. Syempre teammates ko lang tinandaaan ko. Hehe. And last but not the least, yung MVP, ehem, qualifier kasi ako dito, humby speaking, hindi ko naman ini-expect na ako nga yun.
“And the Season’s League Most Valuable Player…. From St. Anthony’s, wearing jersey no. 17, Ryan Gonzaga”
Teka, ako yun ah, sandali, hindi ako prepared. Wala akong speech..haha, ano ito? FAMAS at nanalo akong best Actor.
“Wow, lupit mo talaga Papa Ry.” Hinanap ko kung saan galing yun, sabi na, dun sa tropa. Malamang si Dina na naman ang may pakana niyan. Hehe
Ano pa e di lumapit na ako, tapos picture picture.
“Nasa kanila man ang best players, sa atin naman ang championship.” Rinig kong sabi ng player ng kalaban naming team dun sa teammate niya sinadya naman niya kasi na iparinig sa amin yun. “Sisiguraduhin kong hindi mararamdaman ni Gonzaga na siya ang MVP sa larong ito.” Aba, loko yun ah. Umakto na akong susugod, ang yabang eh.
Andy – “Oh, relax ka lang pare, mamaya ka na mag init.”
Jay – “Let’s get it on.”
Bilib naman ako sa high spirit ng dalawa. Bumalik na kaming tatlo sa bench namin at sinalubong ng pagbati ng mga kasama. Tapos, nag ready na. Ilang minuto na lang, sisimulan na ang laro.
The game is on going, e di ano pa. Naku, teka, tambak kami? Paano nga bang hindi, eh halos lahat, kabado. Kelan ba kasi huling naglaro ng katulad nito ang team? Nung time pa ata ni KUya PJ. Natapos ang 1st quarter, tambak kami.
2nd Quarter, pagkakataon naming bumawi. Unti unti ng nakakabawi ang team, bumalik na ang momentum ng bawat isa. PAti si Jay at Andy na hindi maganda yung laro kanina na malamang na pressure sa tinanggap na award, nakabawi na rin. Kaya lang hindi pa sapat yun, magaling kasi talaga yung kalaban namin, kaya nga maraming nagsabi na sinuwerte lang kaming umabot sa last game. Okey nga sana ang lahat lalo na kung nakakatulong ako. Oo, sa tingin ko, ako ang pabigat sa larong ito. Hindi ko alam kung bakit at ano ang nangyayari sa akin.
Alex – “Coach, sa tingin ko po kailangan na munang magpahinga ni Gonzaga.” Narinig kong sabi niya nung nanghingi kami ng time out. Last ball possession ng 1st half, ilang Segundo na lang tapos na ang 2nd quarter. Ako kasi ang naatasan na gumawa ng play.
Coach – “Depende sa execution ng play na ito. Tingnan natin kung saan aabot si Ryan.” Buti naman may tiwala pa rin sa akin si coach.

BINABASA MO ANG
Second Love
RomanceSi Rei nakatakdang magpakasal kay JC. Si JC, who is still in love with his long-time girlfriend na si Celine. Si Celine, who is also still in love with JC and secretly loved by Ryan. One of them sacrificed, si Rei. Syempre, nadamay si Ryan. So they...