CHAPTER 44 - Ang Debut

58 0 0
                                    

CHAPTER 44 - Ang Debut

REI'S POV

Ang ganda ng venue. Perfect for this kind of occasion. Dagdag pa ang dekorasyon for the holiday season. Syempre kasi isang class na hotel kaya ito. Mayaman naman kasi yung groom ng kaibigan ni Ate Sonia kaya afford talaga nila ditong gawin ang kasal.

Bongga rin ang ayos ng entourage, especially yung bride. Kaya pati ako syempre hindi dapat mahuli, sponsored nila yung ayos ko ngayon.

Okey lang naman na hindi ko sinabi kay Ry kung saan kami pupunta, kahit naman saan at anong ayos nito babagay. Siya na ang may kakaibang charm.

Sinigurado ko talaga na sasama siya ngayon kasi ayokong mag-taxi, at buti nataon na hindi siya coding ngayon, hehe, joke lang, isa lang naman yan sa reason.

Mahalaga kasing araw ngayon. Lalo na dun sa ikakasal.

Tapos na yung ceremony, reception na. Libre lunch pa. Haha, PG lang?

"Best wishes po." Sabi ko dun sa ikinasal nung lumapit sa amin.

"Congratulations po." Si Ry naman ang bumati.

"Salamat sa inyo" si ate Kat, yung bride.

"Ang ganda ng tugtog mo ah. Alam mo bang napaiyak mo yung misis ko habang naglalakad." Sabi naman sa akin ni Kuya Sef, yung groom.

"Feeling ko kasi si Bella ako kanina." Sabi ni Ate Kat, relate na relate pala siya kanina. Nagkatawanan lang.

"Dahil ako naman ang Edward ng buhay mo." Banat naman ni Kuya Sef.

"Maging sino ka man, ikaw lang." Awww, gumaganun pa si Ate Kat. "Nga pala Rei." buti naman change topic bago pa kami ma-OP ni Ry sa sweetness nila. "Hindi na pala nakapagpaalam sa iyo si Sonia, may flight pa kasi siya pa-Cebu, dun kasi siya na assign mag practicum." Oo nga pala, nabanggit ni ate Sonia, sobrang magtatampo kasi itong si Ate Kat kapag hindi siya naka-attend, dahil siya ang gusto talaga niya na maging maid of honor. Kaya pala nauna na siyang mag-speech sa program kanina.

Ako - "Ah oo nga pala. Nabanggit niya rin sa akin."

Ate Kat - "Ganun ba, o sige ha. Enjoy lang kayo. Mamaya ulit." Ayun, nagpaalam na sila para kaharapin yung iba pang bisita.

Nagpatuloy pa rin yung program.

Ako - "Ayan na! Ihahagis na niya."

Ry - "Wag ka ng makiagaw dun."

Ako - "Ang KJ" hindi ko na rin naman balak makiagaw sa ihahagis na bouquet ni Ate Kat.

Isa sa bridesmaid yung nakasalo nung bouquet, tapos kamag-anak naman ni Kuya Sef yung nakasalo nung garter.

Syempre naghiyawan yung mga tao ng..higher. Higher!

RYAN'S POV

Balak pa niya atang makiagaw dun sa bouquet. Ayoko nga, paano kung hindi ko naman masalo yung garter e di siya yung panonoorin ko habang sumisigaw yung mga tao ng..higher. Higher!

Tamang imagination. Pinutol ko na, hindi ko gusto eh.

Natapos na rin yung program. Tinawag ulit si Rei nung babae kanina.

Iniwan niya rin ako.

(Playing - Gitara by Parokya ni Edgar)

Sinong kumakanta, eh malamang si CHito Miranda. Yung tunog pala galing sa pouch ni Rei na iniwan niya sa akin. Aba, hindi na Taylor yung ring tone niya.

Idadaan na lang sa gitara.... KInuha ko yung cellphone niya sa pouch. Missed call na.

(Playing - Gitara by Parokya ni Edgar - ulit)

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon