CHAPTER 31- Ang Torpe

49 0 0
                                    

CHAPTER 31- Ang Torpe

 

REI’s POV

Tuloy pa rin naman ang communication namin (thru Emails) sa mga Park. At dahil nga wala na sila, wala na ulit ako masyadong pinagkakaabalahan ng weekend. Wala pa naman si Ry kasi nasa retreat/practice/training sila ng basketball team. Annually naman nilang ginagawa yun, medyo napaaga lang kasi pasok na sa finals ang team kaya dapat paghandaan. Maaga siyang umalis kanina, buong araw daw yun so malamang gagabihin na siya pag uwi.

Natapos ko na lahat ng gagawin ko, dahil walang kasama, naghanap ako ng ibang gagawin kaysa mainip ako. Napagdiskitahan ko yung harap ng bahay, yung sa bakuran. May mga halaman at tanim na bulaklak kaya lang wala na sa ayos. Meron pang mga halaman na nakaplastic pa, yung tipong kabibili lang tapos nakalimutan ng itanim. Bakit nga naman kasi magkakainteres magtanim ng halamang bulaklak ang tulad ni Ry.

Kaya kahit hindi naman ako marunong, eh pinakilaman ko na. Feeling ko naman maaayos ko ito kahit paano, nang biglang may dumating.

“Ryan!?” mayroong tumawag sa labas.

Ako – “Naku wala siya rito, umalis siya kaninang umaga, hindi ba nasabi sayo?”

“Ha? Ngaks, oo nga pala. Kaya pala hindi ko rin makontak si Andy. Ngayon nga pala yung training nila. Teka, ano yang ginagawa mo?” pumasok na rin siya sa gate.

Ako – “Meteor Gardener lang ang drama ko”

Dylan – “Haha, adik ka talaga. Mind if I help?”

Ako – “Aba, hindi ko yan tatanggihan , Hua Ze Lei”

Dylan – “Teka, si Dao Ming Si ang pinakabida dun ah,” nyaks, nakarelate pala talaga siya.

Ako – “Eh hindi ka naman kasi arogante at mayabang, sa tingin ko hindi ka naman playboy (Xi Men) at hindi ka rin naman mukhang happy go lucky (Mei Zhuo). Si Lei ka nga talaga, mysterious.” Okey, explain naman ang byuti ko, hehe

Dylan – “Mysterious? You think so, San Chai?” aba marunong rin gumanti ah. “We better get started.” At naging focused bigla? Hehe, okey na yan kesa sagutin ko yung tanong niya. Eh, mystery pa rin naman kasi siya sa akin.

(A/N: Super naapektuhan lang ng F4 Fever dati, ;))

Ilang oras ang nakalipas…

Ako – “Wow! Hindi ako makapaniwalang ako ang may gawa niyan. Ay mali, ikaw pala ang gumawa.”haha, uo, si Dylan ngang gumawa, assisting lang ako. Tapos iniwanan ko pa siya kasi naghanda ako ng makakain namin. Ewan ko ba pero parang mas napadali siya nung mag isa na lang, hehe. Okey, sige na, ako na ang walang talent sa ganyang bagay. Wala rin naman akong green thumb eh.

Dylan – “Magaling ka rin namang assistant eh.” Naku, nagpakahumble pa. Ang alam ko, landscape architect ang dad niya at florist naman ang mom niya. Kaya siguro sisiw lang yan sa kanya. “O sige na. Magpapaalam na rin ako.” Sabi niya habang binubuksan iyong gripo sa may garahe para makapaghugas ng kamay.

Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon